210 The Wedding Ring 2

Si Tanaga ay nasa tabi ni Ashley. Mabilis siyang sumenyas sa sales person na huwag sabihin ang totoo. Mabuti na lang at nakatingin ang sales person kay Tanaga at nakuha nya ang ibig sabihin nito. Mabilis na umisip ng paraan ang sales person kung ano ang kanyang sasabihin na kapani-paniwala.

"Ma'am, ang total weight po ng Diamond na nakapalibot sa wedding band ay around One-carat lang po at ang nasa center naman po ay Two-carats lang po. Mukha lang malaki kasi dahil napapalibutan ito ng maliliit na diyamante." Paliwanag ng sales person kay Ashley na naniwala naman.

"Ah! Ganon po ba? Masyado kasing kumikinang at mukhang peke dahil sa laki. Nakaka-alangang isuot." Aniya ni Ashley habang ang kanyang kamay ay nakataas at tinitingnan niya ang kinang ng diamond sa daliri niya.

"Sir, gusto nyo pong sukatin ang katerno nitong wedding band para sa inyo?" Tanong ng salesperson habang iniaabot niya ang singsing na pang lalake kay Tanaga.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter