238 The Last Breakfast Together.

Habang mahimbing ang tulog ni Ashley, si Tanaga naman ay nasa home office nya at pinanunuod ang nangyayari sa club kung saan si President Hanada at ang leader ng sindikato naman ay langong' lango' sa alak at halos ni hindi na makatayo sa kalasingan. 

Wala silang kaalam alam na ang mga babaeng nagsisilbi sa kanila ay tauhan ni CEO Jeff Go na kaibigang matalik ni Tanaga. Lahat ng nangyayari sa loob ng club ay nakikita at naririnig ng Intelligence Group, ni Tanaga at ni Jeff.

Ang Intelligence Group ay isang grupo ng mga mersenaryo na nagtatrabaho kay CEO Jeff Go. Lahat ng mga tauhan ng grupong ito ay highly trained for combat at walang sinasanto kahit na ang pinaka demonyong Mafia sa Japan.

Nang sinabi ni Tanaga kay Jeff na nagbanta ang kanyang tiyuhin bago ito umalis, hindi na nag atubili si Jeff at inutusan niya kaagad ang kanyang Intelligence Group na umaksyon. Dahil alam nya na kaya tumawag ang kaibigan kahit gabi na, ito ay upang makiusap na tulungan siya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter