193 Suprised 3

Tamang tama na papunta na si Tiny na may dalang tray sa balcony kung nasaan si Tanaga, ay nadaanan niya ang cellphone nito na nasa ibabaw ng lamesa at merong tumatawag. Ibinaba muna ni Tiny ang tray at dinampot ang cellphone ni Tanaga. 

Nakita niya na ang tumatawag ay unknown number, nag isip muna si Tiny kung ipapaalam ba niya kay Tanaga or papabayaan na lang. Pero naiisip niya na baka importante ito, kaya minabuti ni Tiny na sagutin bago ibigay kay Tanaga.

"Hello!" Iyon lang ang sinabi ni Tiny, hindi niya binangit ang kanyang pangalan. Nagulat ito ng boses ng babae ang nagsalita.

"Tan... It's Ohani, kailangan ko ang tulong mo... Huh-huh-huh!" Nang marinig ni Tiny ang sinabing pangalan, bigla siyang parang napaso at nabitawan tuloy ang telepono. Nang dinampot niya ito, nakita niya na nasa kabilang linya pa rin ang linta. Mabilis ni Tiny na hinang-up ang phone sabay patay niya upang hindi na makatawag pa si Ohani.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter