338 Something Is Fishy...

Samantala, sa Florida... Alalang alala si Ashley dahil hindi sumasagot si Tanaga. Natatakot siya na baka may masama ng nangyari dito at kailangan niyang makasigurado. Nakiusap siya kay grandma Hanada na tawagan si Tanaga, pero ganoon din ang nangyari... Hindi ito sumagot.

"Grandma, ano po ang gagawin natin... P-paano kung may nangyari ng hindi maganda at wala tayong kaalam alam." Nagsisimula ng humikbi si Ashley dahil sa pagaalala sa asawa. 

Hindi niya maintidihan kung bakit ganoon na lang ang lakas ng kaba ng kanyang dibdib. Normally tatawag kaagad pabalik si Tanaga kapag nakita na tumawag siya. Pero bakit lampas ng trenta minutos eh' hindi pa ito tumatawag pabalik? Hindi tuloy mapalagay si Ashley at pabalik balik siya habang naiisip.

"Apo, pwede bang umupo ka at ako ang nahihilo sa iyo." Pabirong sinabi ni grandma Hanada. Pero sa kaloob-looban niya ay ganoon din ang kanyang nararamdaman. Nagaalala siya na baka may masamang nangyari sa kanyang apo.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter