376 She's Mine, Before You!

Bigla tuloy nagkatinginan si Koji at Tanaka. Pareho ang mga mata nila ay nagtatanon sa isat-isa?

'Malakas din ang tama nito ano?' Sabi ng mata ni Tanaka.

'Ewan ko! Hindi ako makapaniwala na hindi siya takot sa iyo." Sabi naman ng mata ni Koji.

Pagkatapos mag usap ng kanilang mga mata, pareho silang tumingin ng masama kay Alden. Ngunit hindi ito alintana ni Alden kung ano man ang kanilang iniisip.

"Sige, sabihin na nating ikaw at si Ashley ay mayroong kasaysayan, ngunit may asawa na siya at may mga anak na. Sa katunayan ay kambal pa. Sabihin na nating may gusto rin siya sa iyo at gusto niyang magkarelasyon kayo uli. Matatangap mo ba na meron ng nauna sa iyo at nagkaanak na siya? Maihaharap mo ba siya sa pamilya mo at pakakasalan?" Galit na tinanong ni Tanaka.

Nagtanong si Tanaka ng ganoon hindi para sa kanyang sarili. Alang alang sa kaligayan ng kanyang kapatid, gusto niyang malaman kung ano ang pakay ng taong kaharap niya. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter