325 Sana Hindi Na Magbago Pa...

Ilang sandali pa lang na nakakapasok ang lahat ng marinig nila ang doorbell na tumunog uli. Napatigil si mayordomo at pinauna na ang bisita.

"Sige, mauna na kayo... Nasa backyard silang lahat sa may swimming pool. Si ma'am at si sir Jones ay bababa na rin." Aniya ni Butler Ruffy bago tumalikod ito at bumalik sa may pintuan upang tingnan kung sino ang dumating.

Pagbukas ni Butler Ruffy, nagulat ito sa ganda ng dalawang babae na tumambad sa kanya. Ang isa ay matankad at mala diyosa ang mukha kahit na walang make up. Habang ang isa naman ay maliit pero sexy ang dating. Nagtaka tuloy si Butler Ruffy kung sino ang kailangan ng mga ito. 

"Hello!" Sabay na bumati si Ann at Lea habang ang mapuputi nilang ngipin ay kitang kita. Pasensya na eto lang nakayanan naming dalhin. Iniabot ni Lea ang dala nilang bote ng wine kay mayordomo.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter