274 Sa Bingit' Ng Kamatayan

Si Tanaga naman ay biglang tumahimik at nag iisip maigi kung ano ang kanyang gagawin? Nang hindi ito sumagot kay Koji at Jeff, minabuti na lang ni Jeff na tapusin na ang kanilang paguusap.

"Pare, late na rin at pagod tayong lahat. Isa pa ay may meeting pa ako bukas ng umaga. How about tigil na muna tayo at ng tayo ay makapag pahinga, bukas na natin ito ituloy pag malinaw na ang pagiisip mo." Aniya ni Jeff kay Tanaga habang naghanda na siyang tumayo upang makaalis na sila.

Nang makita ni Koji na patayo' na si Jeff, sumunod na rin siya. Kinailangan niyang humawak sa upuan dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo sa ginawa niyang biglang pag tayo. Mabuti na lang at napansin ni Jeff at inalalayan siya na makatayo ng maigi.

"Koji, ayos ka lang? Antay ka sandali at patutulungan kita sa bodyguard ko." Sabay itinaas ni Jeff ang kamay niya at mabilis namang lumapit ang isa sa mga bodyguard niya na naka stand by.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter