288 Patawarin Mo Ako!

Biglang natauhan si Tiny at biglang yumuko bilang pagbibigay galang sa amo niyang lalake. "Pasensya na po sir, Jones. Natulala lang ako kasi ang pagkakaalam ko ay nahimatay daw ka daw po at kasalukuyang nagpapahinga. Eh' sir... ayos na po ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Tiny habang nagkakamot ng ulo.

Mabuti na lang at inutusan ni Tiny ang dalawang bodyguard ni Ashley na kumain muna at siya muna ang magbabantay. Kung hindi ay siguradong pipigilan nito si Tanaga dahil ito ang bilin ni Ashley sa kanila.

Nang umalis si Tanaga ilang oras pa lang ang nakakaraan, nagsipag datingan ang buong pamilya ni Ashley pagkaalis na pagkaalis nito. Mabilis ni Ashley na itinago ang envelope sa ilalim ng kanyang unan upang hindi ito makita ng kanyang magulang.

Pagkatapos ay tinawag niya si Inday at humingi ng isang pirasong papel at ballpen upang sumulat ng note para ibigay kay Tiny.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter