266 Pakiulit Mo Nga Ang Sinabi Mo?

Ang bahay ay bagong tayo pa lamang at sila ang kauna-unahang titira dito. Ito ay mala mansion at may laman itong pitong silid sa main house at may tatlong palapag. May malawak na garden at likuran ng bahay.

Sa labas pa lang ay nakakalula na, lalo pa ng binuksan ni butler Ruffy ang pintuan at bumantad sa kanila ang dalawang hagdaan na ang isa ay pakaliwa at ang isa ay pakanan, habang iisa lang ito galing sa baba.

Sa bungad sa may kanan naman ay may elevator na pwedeng gamitin pababa at akyat kung tinatamad maglakad. 

Pagpasok na pagpasok ay bumungad sa kanila ang isang malawak na family room na mayroong isang malaking flat screen tv na naka mount sa ding-ding. Puting leather sectional with matching end tables at coffee table.

Pagkalampas sa living room ay ang dining room na may mahabang marbol na lamesa na pwedeng umupo ang labing dalawang katao. Habang ang mga upuan ay gawa sa materyal na leather din at pareho ang kulay ng sectional na nasa living room.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter