278 Paano Ako Kung Wala Ka Na?

Samantala nakarating si Tiny sa Condominium ni Tanaga. Sa mismong harapan niya ipinarada ang sasakyan para madali silang makaalis ni Tanaga. Pagkalagay niya sa park, mabilis siyang lumabas na hindi man lang pinatay ang sasakyan.

Pagdating nya sa may pintuan, nandoon ang isang bodyguard ni Tanaga na nakatayo at nagbabantay. Magalang itng bumati kay Tiny. "Good evening sir Tiny!" Saby yuko upang magbigay respeto.

"Good evening din sa iyo. Paki patay nga ang sasakyan at nakalimutan ko. Nandito ba si sir Jones?" Aniya ni Tiny, pero dire-diretso pa rin siya sa loob at hindi na narinig ang sagot ng bodyguard.

"Opo!" Sigaw ng bodyguard na papunta na kung saan nakaparada ang sasakyan na umaandar pa.

Naabutan ni Tiny si Tanaga na nakaharap sa laptop at may pinanunuod. Hindi nito namalayan na dumating si Tiny dahil nakatitig siya sa screen ng laptop at seryosong seryoso ang mukha.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter