392 Oh' My Gay!-3

Hindi na lumabas si Sato ng kusina hangang sa oras na ng hapunan. Kunwari ay tumutulong siya sa paghahanda ng hapunan. Pero ang sa totoo lang ay wala siyang ginawa kundi ang lumandi kay Chef Sander dahil ang buong pag aakala niya ay lalaking lalaki ito.

Nang tapos ng magluto si Chef Sander at nagsimula na ng ilabas ang pagkain ng assistant nito. Mabilis niyang hinaltak si Sato sa labas ng kusina at dinala sa likuran kung saan walang makakakita sa kanila.

Laking gulat ni Sato sa pangyayari at hindi ito handa. Kaya naman bilog na bilog ang kanyang mga mata ng bigla siyang isinandal ni Chef Sander sa ding-ding at inilagay nito ang kanyang dalawang bisig upang hindi makalabas si Sato.

"Chef Sander, what is the meaning of this?" Nagtatakang tanong ni Sato. For the first time in his life, ngayon lang siya nakaranas ng sitwasyon na iyon. Kahit minsan ay hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend. Kaya kung tutuusin ay virgin pa siya sa lahat ng bagay.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter