290 Nangumpisal

Magpapahinga na sana si Ashley at kapipikit pa lang ng kanyang mata ng maring niya ang kanyang cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan. *DING!* Dahan dahan niyan itong kinapa at tiningnan kung sino ang nag text sa kanya?

Hindi niya kilala ang numero, kaya naman napakunot ang kanyang noo. Dahil ang nakasulat dito ay, [Patawarin mo ako! 🙏🙏🙏] na may kasama pang emoji. Napaisip tuloy si Ashley kung sino ang nagpadala sa kanya nito?

Biglang pumasok sa isipan niya si Koji Hanada. Pero alam nya ang cellphone number nito at hindi ang naka registered na nakikita niya. Naisip niya na tanungin sana si butler Ruffy or si Tiny, kaya lang ay nandoon pa ang kanyang pamilya at ayaw niyang malaman nila ito.

Minabuti ni Ashley na sagutin ang text upang malaman niya kung sino ang nagpadala nito sa kanya.

Ashley: [Pwede kitang patawarin, pero papano kong gagawin kung hindi ko naman alam kung ano ang ginawa mo?] Sabay pindot niya ng send.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter