300 Naiintidihan Namin

Nang makatayo na si Ashley, niyakap muna ang ama bago lumapit sa ina. "Sige po inay, mamaya na lang tayo mag usap pag uwi ko." Malungkot na nagpaalam si Ashley.

Hinagod hagod ni Fely ang likuran ng anak bago, "sige anak, wag kang magaalala at naiintidihan namin. Sige na at baka mahuli ka pa." Sabay halik ni Fely sa anak na bunso na may tumutulo ring luha sa mata.

Bago umakyat si Ashley, tumingin muna siya kay Tiny. "Manong Tiny, mag toothbrush lang ako. Kung ready ka na, pwede na ba tayong umalis?" 

"Opo, naman ma'am!" Sabay mabilis na isinubo ni Tiny ang ilang kutsarang kanin at ulam na natitira sa plato nya. Bago, bitbit ang kanyang plato at dinala sa lababo.

Nang huhugasan pa sana nito ang pinagkainan niyang plato, mabilis na pinigilan siya ni Inday. 

"Ako na nyan manong Tiny. Sige na at baka mahuli pa si ma'am sa pagpasok." Sabay tinabig ni Inday si Tiny at pinaalis sa kusina.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter