334 My Dream Boys...

Tamang tama na kaaalis pa lang ni Alden ng tumunog muli ang cellphone ni Ashley at this time, facetime call galing sa kanyang ama. Mabilis na sinagot ni Ashley ang tawag, natatakot siya na baka emergency ito at may problema sa kambal.

<"Tay! Napatawag po kayo?">

<"Hahaha! Wala lang, naisipan ko lang na check ka kung ayos ba dyan sa iyo?">

<"Opo, naman! Trabaho lang po ito at yakang-yaka! Ang kambal po? Hindi nyo ba kasama?"> Tanong ni Ashley habang inaaninaw niya sa backround kung nasaan ang ama niya.

<"Kasama namin, pero nandoon sila sa may Cabana upang hindi mainitan. Sandali at pupunta ako doon."> Sabay binaliktad ni Mr. Gusman ang camera upang makita ni Ashley kung saan siya papunta. Tamang tama na katatapos pa lang bihisan ni Inday at Juanita ang kambal. Isang napakalaking ngiti ang lumabas sa labi ni Ashley ng makita niya na naka swimming trunk ang kambal niya na iilang buwan pa lamang.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter