227 Mugshot 1

"You! Go back inside! Now!" Sigaw ng Police Officer kay President Takashi habang halatadong galit na ito at ubos na ang pasensya. Nang makapasok na si President Takashi sa loob ng police van, isinarado ito ng Police officer ng pabagsak bago ito sumakay sa harapan upang sila ay makaalis na.

Ang limousine driver naman na nag aantay sa kanila upang ihatid sila sa hotel ay hindi malaman ang gagawin. Minabuti na lang na tumawag sa kumpanya upang ipaalam kung ano ang nangyari bago nag desisyon na bumalik na sa headquarters.

Nang malaman ng dispatcher ng limousine kung ano ang nangyari, nagalala ito at mabilis na tinapos ang kanilang pag uusap upang matawagan niya ang assistant ni President Hanada. 

Hindi makapaniwala sa kanyang narinig ang assistant ni President Hanada. Pagkababang pagkababa niya sa telepono ay tinawagan naman niya ang lawyer ng THJ Group upang puntahan ang boss nila sa Police Station.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter