370 Mrs. Garcia [2]

Sigurado si Ashley na matutuwa ang kanyang magulang at kapatid kapag nakita ang tanawin na kanyang nakita. Isang maestro obra... 'Anghel na walang saplot.'

May isang malawak na ngiti sa kanyang mukha si Mrs. Garcia habang pinapanood niya si Ashley na kumukuha ng larawan. Sa ilang kadahilanan, magaan ang kanyang pakiramdam kay Ashley. Para bang meron siyang naalalang tao twing tinititigan niya ito. Pero hindi siya sigurado kung sino ito.

Basta ang pakiramdam niya ay merong isang tao na ka edad ni Ashley ang maaring may relasyon sa kanya. Ang iniisip niya ay kung anong relasyon? Maaring isang kapatid na babae, isang pamangking babae, o baka isang anak na babae. Alin kaya doon? 

Bigla tuloy nawala sa sarili si Mrs. Garcia at pilit na inaalam sa kanyang pag iisip kung meron siyang mahahanap na alala ng nakaraan...

Samanatala, natapos na palang kumuha ng litrato si Ashley, ito ay lumapit at tuluyan na syang pumuwesto at umupo. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter