260 Life Without Him

Ang mga kuya ni Ashley na nuong una ay nakatulala dahil sa kanilang narinig na patay na ang kanilang bayaw. Biglang natauhan ng makita nilang hinimatay si Ashley.

Mabilis na pinaamoy ni tatay Jessie nang pangpagising, pagkatapos ay niyapos ang anak at pinabayang ilabas lahat ng nararamdaman. "Sige, lang anak ilabas mo lahat. Iiyak mo, sumigaw ka kung kailangan. Basta wag mo lang pigilan ang sarili mo at masama ito sa baby mo." Bulong ni tatay Jessie habang tumutulo rin ang luha sa kanyang mga mata.

Kitang kita lahat ni Grandma Hanada ang nangyayari at feeling guilty na feeling guilty sya sa ginawa nyang pagsisinungaling. Pero nang makita nya na palibot si Ashley ng mga taong nagmamahal sa kanya, gumaan ang pakiramdam nito at nagpasyang ituloy ang pagsisinungaling.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter