358 Let's Begin To Finish Everything...

Wala pang isang oras, bumalik na sina Tiny at ang kanyang pangkat. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Inday at kinuha ang kanyang alaga. Pagkatapos ay tumakbo papasok ng loob ng bahay na akala mo ay hinahabol ni kamatayan.

Nang makapasok siya sa loob ng bahay at nakita niya ang kanyang among babae, mabilis itong lumapit bitbit ang isa sa kambal diretso at yumaakap kay Ashley. Sabay, "ate Ash, ate Ash..." Bago dire-diretso ang pagsusumbong kay Ashley.

Takot na takot siya na halos umihi siya sa kanyang pantalon noong kasalukuyang nakakulong sila. Hindi niya akalain na masama palang babae ang biyenan ng kanyang amo. Pati sariling apo ay gagamitin makuha lamang ang kanyang gusto. Mabuti na lang ay hindi sila pinabayaan at nakuha sila kaagad ni Tiny at ng kanyang pangkat.

Habang inaalo siya ni Ashley, kinuha ni Fely ang sanggol sa kanya at tinapik sa likuran. Si Ashley naman ay pilit siyang pinatatahan sa kanyang pag-iyak.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter