204 Learning The Business Trade

Hindi makapaniwala si Celia sa kanyang narinig. Finally, merong taong galing sa itaas ang intersado sa kanya. Naisip niya tuloy na sana naman ay mabigyan na siya ng pansin at ibigay ang tamang pasahod at position sa kanyang ginagawa.

"Ganito po iyon ma'am..." Sinabi lahat ni Celia kung papano siya nagsimula sa trabahong ito na maging isang purchasing agent. Pati ang procedure kung ano ang ginagawa niya araw araw ay sinabi na rin niya at lalong humanga si Ashley.

Nang matapos si Celia, believe na believe si Ashley at kitang kita ito sa kanyang mga mata. Si Tanaga naman na nakikinig lang sa pag-uusap ng dalawa ay hangang hanga sa asawa. Kaya naman hindi na siya nagtaka pa ng hilingin ni Ashley na mag-shadow kay Celia habang nadoon sila upang matutunan nito ang ginagawa ng isang purchasing agent ng kumpanya.

"Sir, Jones if you don't mind. Gusto kong mag shadow sa kay Celia for a couple of day. Pwede ba?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter