310 Kung Hindi Pwede Sa Santong Dasalan, Eh' Di Paspasan!

Samantala, si Koji Hanada ay napakarami ng kailangang ayusin sa Europe. Ang hotel ay binomba ng isang terorista at marami ang nasugatan at namatay. Hindi magkanda ugaga si Koji sa dami ng kailangan niyang gawin. Kaya naman hindi siya nagkaroon ng panahon na kumustahin or tawagan man lang si Ashley kahit na minsan.

Nang makalipas ang isang linggo' saka lang siya nagkaroon ng pagkakataon na tumawag sa opisina upang kumustahin kung ano na ang nangyayari kay Ashley.

Si Sato ang nakausap ni Koji at nalaman niya na dumating si Tanaga at ito ang tumutulong kay Ashley. Dismayadong dismayado si Koji, pero wala siyang magagawa dahil alam na niya na mag asawa ang dalawa.

Pero nang malaman niya na naaksidente si Ashley at nahospital, biglang nagbago ang kanyang pagiisip. Iniisip niya na si Tanaga ang dahilan kaya ito naaksidente, kaya nagpasya siya na lahat ng paraan ay gagawin niya upang maagaw niya si Ashley kay Tanaga.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter