251 Koji And Alden

Nang hindi pa rin sumasagot si butler Ruffy, nilapitan na ito ni Tatay Jessie at hinawakan sa kwelyo ng kanyang suot na Polo Shirt. "Sagutin mo ako! Buntis ba ang anak ko?!" Habang halos sakalin na ito ni Tatay Jessie sa galit.

Mabilis na inawat ng magkakapatid ang ama. Takot sila na baka kung ano ang mangyari kay butler Ruffy sa ginagawa ng ama.

"Tay! Huminahon po kayo! Papaano kayo sasagutin eh sinasakal nyo na si manong Ruffy. Please, lang Itay!" Pakiusap ni Arman sa ama habang pilit niyang tinatangal ang kamay nito sa pagkakahawak sa kwelyo ng matanda

"Opo! Itay, bitawan nyo muna si manong Ruffy, para masagot niya ang tanong nyo."

Dahil sa pakiusap ng mga anak, natauhan si Tatay Jessie at humingi sya ng paumanhin. 

"Pare, pasensya ka na. Bugso lang ng damdaming ng isang ama." Dahan dahan niyang inalis ang kanyang kamay sa kwelyo ng damit ni Ruffy. Sabay umatras at umup sa sofa upang makinig sa sasabihin ng mayordomo.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter