326 Kailangang Kumanta...

Nang makita ni Mrs. Gusman na paparating na si Grandma Hanada, mabilis niya itong nilapitan at ginabayan at tinulungang umupo sa lounge chair. "Ang saya saya ano? Sana hindi na ito mag bago at tuloy tuloy na ang maliligayang araw ng pamilya natin." Bulong ni Grandma Hanada kay Mrs. Gusman na umupo sa tabi niya pagkatapos.

Ngumiti muna si Mrs. Gusman, at habang kumikislap ang mata sa ligaya... "Hay, naku! Wala na akong mahihiling pa kundi ang makita silang dalawa na magpakasal sa simbahan. Iyon na lang ang kulang, ang mabasbasan sila ng pare at makasal sa mata ng diyos." Aniya ni Mrs. Gusman sabay buntong hininga ng malalim. 

Tinapik tapik muna ni Grandma Hanada ang kamay ni Mrs. Gusman bago, "wag kang magalala at sinimulan ko na ang lahat. Sa katunayan ay ginagawa na ang damit niyang pangkasal. Bigyan lang natin sila ng konti pang panahon at sasaan ba at doon din ang patungo ng lahat."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter