268 Imposible!

"Excuse me sir! Ano ho ang kailangan ninyo?" Tanong kay Tanaga ng isa sa gwardya ni Ashley na nakatayo sa pintuan habang nakaharang ang mga kamay nila upang hindi makapasok sila Tanaga, Grandma Hanada at Harumi.

Biglang tumaas ang kilay ni Tanaga dahil sa asal ng mga bodyguard ni Ashley. Itinaas niya ang kamay niya upang lumapit ang mga bodyguard niya at tulungan sila.

Mabilis namang lumapit ang apat na bodyguard nila Tanaga at Grandma Hanada. Pero mas mabilis si Grandma Hanada na pinigilan ito at pinabalik sa mga pwesto nila. Sumunod naman ang mga ito.

"Excuse me young man!" Aniya ni Grandma Hanada. "Nandito kami upang bisitahin si Ashley. Ako ay ang kanyang..." Hindi natapos ni Grandma Hanada ang kanyang sasabihin dahil narinig niya ang sigaw ni Ashley at nakita niyang nabigla yata si Tanaga at humahakbang na paatras.

"Apo! Ayos ka lang? Bakit bigla kang namutla?" Tanong ni Grandma Hanada habang kitang kita ang pagaalala kay Tanaga.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter