339 Heart Attack...

Nang makapasok na si Raul sa elevator, tinawagan niya kaagad si Tiny upang ipaalam sa kanya ang kanyang hinala. Kailangan niya ng abiso ng mas nakakataas sa kanya at reinforcement na rin pag nagkataong ang kanilang boss ay… nasa gulo. Tinataktak niya ang kanyang mga daliri sa taas ng screen ng phone niya habang nagriring ang kaniyang cellphone. 

"Speak!" Sigaw ni Tiny nang masagot niya ang tawag. 

"Hello, sir Tiny… Meron po kasing kahina-hinalang nagaganap sa loob ng kwarto ni sir Jones." Dinetalye ni Raul kung ano ang nangyari at kung paano umakto ang dalawang bodyguards. Nang matapos siya, "Sir, ano po ang gagawin ko ngayon?" 

"Pumunta ka muna sa surveillance room at tignan mo kung ano ang nangyayari sa loob ng penthouse simula nang dumating si sir Jones. Siguraduhin mong na-check mo lahat at wala kang na isahang impormasyon. At,​ gusto ko sanang bigyan mo ko lahat ng impormasyon na meron ka sa dalawang bodyguard na nakadistino diyan. You got that? "

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter