249 He's Dead!

Hindi nga nagkamali ang Doctor at ang iniisip ni Jeff na hindi ito makakayanan ng matanda. Noong una ay nakikinig lang ang matanda habang sinasabi niya kung ano ang report ng Doctor. Pero mga ilang sandali lang ay bigla itong humawak sa kanyang dibdib at kitang kita ni Jeff na nahihirapan itong huminga.

Mabilis syang sumigaw upang humingi ng tulong at pumasok kaagad ang assistant ng matanda at ang dalawa nitong bodyguards.

Nadatnan nila na halos hindi na makahinga ang matanda at sinusubukan ni Jeff na tulungan sa abot ng kanyang makakaya. "Chairwoman! Chairwoman Hanada, ano po ang nangyayari?" Bahid sa mukha ni Jeff ang pagaalala sa matanda na hawak hawak pa rin ang kanyang dibdib at halos hindi makahinga.

Mabilis namang lumapit ang assistant nito at may tabletang inilagay sa bigbig ng matanda. Bago ay iniabot ang isang basong tubig at pilit itong pinainom. "Take a deep breath po! Ganyan, dahan dahan lang." Aniya ni Harumi sa amo.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter