382 Go! Worry About It Later...

Habang sila ay naglalakad, hindi maiwasan ni Tanaga ang hindi makita ang mga naka eskaparateng parangal at tropeyo na nakamit ni Mrs. Garcia at ng kanyang kumpanya. Ang dingding sa paligid ay puno ng mga eskaparate ng mga damit na disenyo niya at kung anong klaseng parangal ang natangap nito. 

Nasa malayo ang isipan ni Tanaga at hindi niya napansin na kanina pa hinihingi ni Ashley ang kanyang attention. Nang hindi pa rin niya ito pinapansin, nagpasya na si Ashley na tapikin muli ang asawa sa balikat.

"Mahal, Let's go! Kita mo naman na marami siyang gawain, balikan na lang natin siya kapag uwian na." Pagkatapos ay pilit niyang hinihila ang asawa patungo sa pintuan palabas.

Tamang tama naman na natapos na ang sekretarya ni Mrs. Garcia na iwalas ang lahat ng appointment nito sa araw na iyon. Saka pa lang uli tumingin sa kanila ang matandang babae at nakitang sila ay papaalis na sana.

Mabilis silang tinawag pabalik ni Mrs. Garcia.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter