379 Filipino Dishes...

Meanwhile, back in the Spaniard Kingdom, nakikinig si Ashley kay Mrs Garcia na nag ke-kwento tungkol sa kanyang sarili. 

Habang siya ay nakaupo doon na nakikinig, hindi niya maiwasang ang hindi maawa sa matandang babaeng itinuturing na rin niyang parang ina. Isa kasing napakabait at mapag malasakit sa tao si Mrs. Garcia. Bukod pa sa maganda at kaaya-aya.

"Pinapangarap kong sana ay makabalik sa Pilipinas balang araw. Naisip ko na baka bumalik ang aking alaala kung pupunta ako doon.

"Malaya akong pumunta kahit saan dito sa Spaniard Kingdom, ngunit hindi ako pinapayagan ng aking asawa na maglakbay sa labas kahit minsan. Pwede lang ako kung kasama siya pero limitado ang lugar na pwede naming puntahan. Aniya ni Mrs. Garcia habang sa lupa nakatingin.

Kaya naman siya sa lupa nakatingin, dahil may mga luhang nagsisimula ng mamuo sa kanyang mga mata habang sinasanbit niya ang mga salitang iyon at ayaw rin niyang makita ito ni Ashely.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter