232 Family Meeting

Once na mag banggit si Ashley tungkol sa anak nila, wala na si Tanaga, todo bigay na sa hiling ng asawa kahit pa patalunin siya sa bangin. [Joke lang!] Para sa kanyang mag ina, walang hindi gagawin si Tanaga. Kaya ng magsabi si Ashley na doon na lang sila kumain sa bahay ng magulang niya, mabilis na tumayo si Tanaga at inalalayan ang asawa na makatayo din.

"Your wish is my command! Tara na aking mag ina at ng makakain na ang baby natin." Sabay himas ni Tanaga sa maimpis pang tiyan ni Ashley. Papalabas na sana sila ng mapansin ni Ashley ang kasuotan ng asawa at biglang tumaas ang kanyang kilay.

"Tan, I think we need to change clothes muna. Tingnan mo naman ang suot mo at ang suot ko." Bulong ni Ashley habang naka nguso siya sa suot niyang damit at sapatos. Lalo na ang suot ng asawa niya, na from head to toe talaga, naghuhumiyaw ng brand name.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter