217 Family 2

Mabilis naman na dumating ang dalawa na nandoon lang pala sa kusina at nagaantay lang na tawagin ng mga amo. Halos nagkabanggaan pa ang mga ito ng mabilis na lumabas sa double door ng kusina.

"Sir! May kailangan po kayo?" Sabay na nagtanong si Sato at Tiny habang nakatayo na parang mga estatwa sa kaliwa at kanan sa likuran ni Tanaga.

"Hindi nyo ba narinig ang sinabi ko? Bakit tatlo lang ang naka set up na plato, bakit kumain na ba kayo ng hindi namin nalalaman ng ma'am nyo?" Maangas na tanong ni Tanaga habang may bahid ng ngiti ang kanyang mga labi.

Nang marinig ni Sato ang sinabi ni Tanaga, hindi na ito nag patumpik tumpik pa at bumalik na sa kusina upang kumuha ng dalawa pang settings. Si Tiny naman ay napakamot sa kanyang ulo at umiling habang nakatayo pa rin at hindi malaman kung ano ang isasagot sa sinabi ni Tanaga.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter