364 Don't Forget...

Ang doctor ni Tanaga ay nakausap si Dr. Garcia ang espesyalista na may isnag klase ng serum na susubukan ni Tanaga na gamitin at alamin kung ito ay makakatulong sa kanyang gumaling. Naigawa sila ng appointment at sinabi sa kanila na kailangan nilang makarating sa lalong madaling panahon. 

Hindi na nag aksaya pa ng panahon ang mag asawa at nagpaalam na sila sa lahat ng gabing iyon bago pa sila natulog upang maka alis sila ng maaga dahil dadaan pa sila kay lola Hanada upang mag paalam kung saan sila pupunta.

Si Fely at Jessie ay pinangaralan ang mag asawa at binilinan na kahit anong mangyari at kahit nasaan sila, wag kalimutang tumawag at mag facetime upang makasigurado sila na ayos lang ang mag asawa. 

Nangako naman si Ashley at si Tanaga na gagawin ito. Saka pa lang nakampante ang mag asawa at nakahinga ng maluwag. 

"Sige mga anak, mag iingat kayo at wag kalilimutang mag dasal." Aniya ni Fely habang yakap yakap ang dalawa.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter