185 Coming To America-3

Si Ashley na noong una ay nakasimangot, "Hahaha! Hahaha! Hahaha! Anong hinihingi hingi mo ng sorry, dyan? Alin yung sinasabi kanina na hindi natapos dahil namatay ang telepono ko? Ano nga yung sinasabi mo? Hindi ko narinig kasi naubusan pala ng baterya ang cellphone ko." Aniya ni Ashley na nagtataka kung bakit nag so-sorry ang asawa sa kanya.

Si Tanaga na nakataas ang isang paa at magsusuot na sana ng brief. Habang ang isang kamay ay hawak ang tuwalya upang hindi malaglag... ay biglang nabitawan lahat ng marinig ang sinabi ng asawa. 

"Ang ibig mong sabihin ay namatay lang ang cellphone mo dahil walang baterya, kaya ka ganon ang nangyari?" Seryosong nakatingin si Tanaga kay Ashley na nakatakip ang kaliwang kamay sa mata habang ang kanan at nakaturo.

"Tan... Tan, ano ka ba? Nakakahiya! Papano kung merong ibang makakita sa ginagawa mo? Magsuot ka nga ng brief mo!" Sigaw ni Ashley habang may takip pa rin ang kanyang mata.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter