184 Coming To America-2

 Ang excitement na nararamdaman ni Ashley ay hangang langit. Kaya naman busy ang takbo ng utak niya sa paghahanda ng mag gamit.

"Hmm, malamig kaya doon ngayon? Alam ko may snow din doon. Mabuti na lang at meron na akong makapal na jacket. Ano ano pa kaya ang kailangan kong dalhin." Sa isipan ni Ashley. 

Habang busy si Ashley sa pagiisip kung ano ang dadalhin niya. Dumating si Inday na may dala-dalang isang tray na may isang basong tubig at maraming boteng mga vitamins. Inilapag niya ito sa ibabaw ng night table, bago lumabas ng hindi man lang nagsasalita.

Ilang sandali pa ay bumalik uli si Inday na may dala namang mga damit ni Ashley na bagong plantsa at inilagay ni Inday sa cabinet ng ganon pa rin, hindi nagsasalita. Hindi na nakatiis si Ashley at tinawag si Inday ng papalabas na ito ng pintuan.

"Inday, halika nga!" Tawag ni Ashley habang papalabas na sana ng pintuan si Inday.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter