18 Chatpter 18

Madaling araw na nang bumalik si Tanaga sa kwarto nya at nakitang mahimbing na mahimbing na natutulog ang dalaga. Sa isip nya maaga pa naman para maghanda papuntang opisina kaya umupo na lang muna sya sa sofa habang nakatitig sa mapayapang mukha ni Ashley. Maya-maya, unti-unting pumikit rin ang kanyang mga mata at tuluyan ng mahiga at natulog.

Mataas na ang araw nang makarandam ng kalam ng sikmura si Ashley. Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata at inaninag kung nasan sya. Ang huli niyang naalala ay nasa opisina sila ni Mr. Jones at nag-uusap tungkol sa nakasaad sa kontrata. Pero bakit nandito na sya sa kama at nahihilo at napakasakit ang ulo?

Dahan dahan siyang tumayo para pumunta sa banyo at napansin na lang nyang nakapantulog na sya. Hindi niya lubos maisip kung ano ang nangyari...

Kinailangan ni Ashley na buksan ang ilaw sa banyo at hindi nya namamalayan na may tao palang natutulog sa sofa. Dahil binuksan nya ang ilaw na bukas ang pinto ng banyo, bigla itong sumilaw na parang flashlight sa mata ni Tanaga at naalimpungatan.

Kinuha ni Ashley ang sabon at naglagay siya sa kamay bago hinilamos niya ito sa mukha. Habang sige ang pagmasahe niya sa mukha na me kasamang sabon, hindi niya namamalayan na tumayo pala itong si Tanaga dahil kailangan niyang umihi...

Nag-antay muna si Tanaga nang ilang sandali, pero nang hindi pa rin lumalabas si Ashley ng banyo, tumayo na sya at pinuntahan ang dalaga. Dahil nakabukas ang pintuan ng banyo, nakita ni Tanaga na nakaupo ang dalaga sa inidoro na napakalayo nang iniisip.

Nang mga ilang minuto na at hindi pa rin tumatayo ang dalaga, hindi na nakatiis si Tanaga at nagsalita para ipaalam ke Ashley na naghihintay syang gumamit ng banyo.

"Matagal ka pa ba? Puputok na 'ata ang pantog ko!" Pagalit na sinabi ni Tanaga ke Ashley.

Bigla tuloy nagulat si Ashley at napatayo na nakababa pa ang kanyang panty. Kitang-kita tuloy ng binata ang perlas ng bayan dahil, this time, hindi sya nakatalikod kaagad.

Nang ma-realized ni Ashley na nakakaba pa pala ang kanyang underwear at lantad na lantad any kanyang kayamanan, bigla niya itong tinakpan ng kanyang dalawang kamay, imbis na itaas ang underwear na nasa paanan niya.

Medyo nairita naman si Tanaga sa reaksyon ni Ashley. Kaya naman pagalit na naman nya itong pinagsabihan. "Di mo na kailangan pang takpan yan, dahil kung tutuusin ay bayad ko na yan!"

'Ano? Sinong nagsasabing kasama ito sa binayaran mo? Gago ka ba, anak lang ang binayaran mo, hindi ang peng-peng ko.' Isip ni Ashley habang nakatitig sya ke Tanaga na nanlilisik ang mga mata.

"Sir! Paumanhin po! Pero ang pag-kakaalam ko eh! Anak lang ang pinag-uusapan natin, hindi kasama ang kayamanan ko? Di po ba?" Lakas ng loob na tinanong ni Ashley na hindi man lang kumukurap.

'Sige nga, sagutin mo yung tanong ko? Kala mo, porke mayaman ka, eh kaya mong bilhin lahat.' Sa isip ni Ashley habang nag-aantay siya nang sagot ni Tanaga.

"Kung hindi kasama yang tinatakpan mong kayamanan, papaano natin mabubuo ang bata sa kontrata? Diba dyan papasok at lalabas ang nasa kontrata?" Pa-insultong sagot ng binata kay Ashley.

'Sama ng ugali nito ah! Kahapon lang ang bait-bait, ba't ngayon hindi lang pang-iinsulto ang sagot, nakasigaw pa. Ano kaya ang problema ng taong ito?' Sabi sa sarili ni Ashley na hindi nagpapahalata na galit na rin sya.

"Sir, bakit po pala nandito kayo sa silid ko? Ngayon na po ba ninyong gustong gawin ang nasa kontrata? Puede po ba maligo muna ako? Kasi parang napakalagkit ng katawan ko at masakit ang aking ulo." Pakiusap ni Ashley.

Bago sumagot si Tanaga, nag iisip muna sya kung sasabihin ba nya ang totoo or kakalimutan na lang nya ang nangyari? Sa kahulihulihan, nagpasya si Tanaga na hindi ipaalam kay Ashley ang nangyari. Mas mabuti na yun, baka mamaya eh magbago pa ang isip nito.

"Hindi, hindi, at hindi ang sagot sa lahat ng tanong mo. Hindi sa iyo ang silid na ito. Hindi mo kailangang maligo, dahil... Hindi tayo ngayon gagawa ng nakasaad sa konrata. Naiintidihan mo ba?!"

Parang binuhusan nang malamig na tubig si Ashley sa mga pananalita ni Tanaga. Kaya ito ay nagmamadaling magsuot ng panty at halos mangiyak-ngiyak na lumabas ng mabilis galing sa banyo.

"Pasensya na po! Akala ko lang naman, hindi na po mauulit!" Sabi ni Ashley habang dumaan papalabas ng banyo.

Kitang-kita ni Tanaga na maluha-luha ang dalaga nang dumaan sa harapan nya at para tuloy may kumurot sa kanyang puso.

"Nasobrahan ko yata nang konte, mukhang masama talaga ang loob nya? Pano ba to, ano ba ang dapat kung gawin? Maging mabait or masungit? Alin ba ang tama?!" Bulong ni Tanaga sa sarili.

Ang hindi nya alam ay narinig ni Ashley ang lahat ng sinabi nya at ito ay napangiting bigla... "Hmmm?"

"Sir, ok lang po sa akin kung masungit kayo. Alam ko naman na mabait kayo eh! Salamat po sa pagligtas nyo sa akin. Nakalimutan kong sabihin ito sa inyo kahapon. Marami kasing bagay ang nasa isipan ko, kaya't nakalimutan ko." Nagsasalita si Ashley habang papalapit na ang kamay nya sa pintuan ng kwarto para lumabas...

Si Tanaga naman, na umiihi at habang bukas ang pintuan ng banyo, ay napansin na palabas na ang dalaga at ito ay nataranta. Bigla siyang tumakbo para habulin ang dalaga na hindi nya namamalayan na ang kanyang alaga ay hindi pa nakapasok sa loob nang pantalon nya.

Kaya tuloy nang maabutan niya ang dalaga, si Ashley ay napanga-nga nang napakalaki at hindi makapaniwala sa kanyang nakita...

"OMG!!!" Sigaw ni Ashley sabay takip nang mga mata nya ng kanyang mga daliri na ang dalawa ay nakabuka... Sabay nag cross sya at nagdasal sa laki nang kanyang nasaksihan.

avataravatar
Next chapter