9 Chapter 9

Si Tanaga ay nakatitig ng matindi kay Ashley at nakangiti na para bang naengkanto, habang ang dalaga nama'y nagbabasa ng masinsinan sa kontrata.

Tamang-tama rin naman na nasa loob na ng opisina ang mayordomo nang malinaw nyang narinig na nagtatanong si Ashley tungkol sa huling pahayag sa kasunduan.

"Sir, nakasaad po dito sa huling parte ng kontrata na kung kahit ano man ang magiging resulta, babae man o lalake, makakatanggap po ako ng sampung milyon bawat isang bata? Tama po ba ito?" tanong ni Ashley ng diretsahan na hindi man lang kumurap ang kanyang mga mata.

Muntik ng mabitawan ng mayordomo ang dala-dalang snaks sa gulat na marinig sa laki ng halagang handang ibabayad ni Tanaga kay Ashley.

'Kung ganun kalaki ang halaga, siguradong pag nabigyan na niya ng tagapagmana si Tanaga, mabilis pa sa alas-kwatro na uuwi sya sa kanyang pamilya. Hindi pwede 'to- kailangang gawan ko ng paraan na hindi sya mabuntis, at para hindi sya makaalis…' Biglang lumiwanag ang mukha ng mayordomo na masayang nag-iisip ng paraan para hindi makaalis si Ashley.

"Ahem! Baka gusto nyo po muna ng pa lamig. Mga isang oras pa po bago makaluto ang kusinero, kaya dinalhan ko muna kayo ng maiinom at kaunting meryenda." Pasing-tabi na sinabi ng mayordomo, sabay lapag ang hawak na tray sa ibabaw ng lamesa. Subalit, sa pagkalapag na pagkalapag nya nito, bigla nyang natabig ang inumin at nabuhusan si Ashley at ang kontratang nasa kamay ng dalaga.

Matapos mabuhusan ang kontrata, bigla itong hinablot ng mayordomo galing kay Ashley, sabay humingi ng paumanhin at nagmamadaling lumabas para kumuha ng basahan.

Si Tanaga naman ay nagulat din at di malaman kung ano ang gagawin, kaya ito ay napatayong bigla at pinuntahan si Ashley. Sabay tinulungang pagpagin ang nabuhusang parte ng katawan ng dalaga na hindi namamalayang maselang parte na pala ng katawan ni Ashley ang kanyang hinihimas...

Si Ashley naman ay abalang-abala sa nababasa nyang mahabang pantalon na hindi napansin na palapit na pala ang kamay ni Tanaga sa maselang parte ng kanyang katawan. Nang maramdamang nasa binti na nya ang kamay ng binata at malapit na sa kanyang- alam nyo na kung ano- bigla na lang niyang itinulak ng malakas si Tanaga. "Bang!" lakas ng pagkaupo ng kawawang puwit ni Tanaga sa ibabaw ng sahig at di maiwasang makitang nakanganga't nanlaki ang mga mata dahil sa pwersa at gulat ng pagkalagapak nito.

"I'm sorry! I'm sorry!" sigaw ni Ashley. "Hindi ko po, sinasadya! Nagulat lang po ako!" Mangiyak-ngiyak na sinabi at sabay takip ng mukha sa takot.

Hinggil sa kanyang kaalaman, hindi pala nagalit si Tanaga. Imbes, ito ay biglang tumawa ng napakalakas na rinig na rinig sa labas ng kwarto.

Tamang-tama naman na syang pagdating ng mayordomo na katatapos lang basahin ang nakasulat na kontrata. Di hamak na sinadya ng mayordomo na tumbahin ang inumin para makuha niya sa kamay ni Ashley ang kontrata at mabasa ng mataimtim kung ano ang magiging kasunduan at ng magawan nya ng paraan na hindi ito maisakatuparan…

==

Samantala sa loob ng opisina ni Tanaga, madali siyang nakapag-print nang bagong kontrata at ito ay kasalukuyang pinipirmahan ni Ashley...- Sa madaling salita, -The deal was sealed! Si Ashley ay pumayag na magin surrogate mother sa magiging tagapag-mana ni Tanaga...

[Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng kanilang istorya? Sa palagay kaya niyo, mag-kakaanak kaya sila? Kung sakali man na mag-bunga ang pagsisiping nila, maiwan kaya ni Ashley ang kanyang magiging anak, kapalit ng sampung milyon?]

"Nilakihan ni Tanaga ang presyo noong pinapalitan nya sa sekretarya niya kung ano ang nakasaad sa dokumento. Ang dating isang milyon lang, ay ginawa niyang sampung milyon para ke Ashley. Upang siguradong pumayag ito..."

Abangan!!! Depende po sa makukuha kong mag-babasa ng librong ito kung ipagpapatuloy or hindi...

avataravatar
Next chapter