71 Chapter 71

Pabirong hinampas ni Ashley ang kuya Arman niya sa braso habang ito ay nakagisi... " Ano ba palagay mo ang relasyon namin? At saka bakit mo tinatanong na para bang meron kaming ibang relasyon beside sa pagiging Assistant at Boss? Kakaloko ka yata eh'" Sabay iwas tingin si Ashley.

Alam ni Arman na nagsisinungaling si Ashley, pero hindi na niya ito pinilit pa. Pero sa isip nito ay pagmamatyagan niyang maigi ang dalawa, dahil alam niya sa kanyang kalooban na si Tanaga ay may pagtingin sa kapatid niyang bunso.

"Bunso, ito lang ang tandaan mo, kung kailangan mo ng mapapaghingahan ng saloobin mo, nandito lang ako. Ok! Wag na wag kang mag-atubiling mag text or tawag sa akin, naiintidihan mo ba?" Seryoso ang mukha ni Arman habang nagsasalita, sabay niyakap ng mahigpit ang kapatid at ginulo ang buhok na parang bata.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter