65 Chapter 65

Yakap na mahigpit ang natangap ni Ashley mula sa nanay niya, habang ang mga kuya niya at ama ay nagaantay lang na matapos silang mag-inang mag yakapan.

"Oh' anak, salamat sa panginoong diyos at ok ka lang. Akala namin kung ano na ang nangyari sa iyo dahil hindi ka tumawag. Mabuti naman at cellphone mo lang ang nawala at ok ka." Umiiyak na sabi ni aling Fely habang panay ang himas niya sa pisngi ng anak.

"Oo' nga po inay! Nagpapasalamat po ako at walang nangyari sa aking masama." Nakangiting sinabi ni Ashley habang tumutulo rin ang mga luha sa mata.

"O' siya! Siya, tama na yan. Kami naman! Bakit ikaw lang ba ang nakakamiss ke bunso?" Pabirong sinabi ni mang Jessie habang nag-aantay na siya naman ang batiin ng anak at yakapin.

Nang bitawan si Ashley ni aling Fely, mabilis na nagsipagtayuan ang mga kuya niya at inunahan na ang ama sa pag-yakap sa kanya. "Oh' bunso!!!! Miss na miss ka na namin, wag ka na kayang bumalik sa Japan." Seryosong sinabi ni Arman.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter