5 Chapter 5

Bagamat nabigla si Tanaga at napatigil nang sandali, alam niyang mga masasamang tao ang kanyang kaharap at kailangang gamitan nang isang taktiko. Nagkunwari siyang hindi interesado at nagsimulang lumakad palabas.

Biglang habol ni Mrs. Gutieres kay Tanaga habang ito ay nakikiusap. "Sir, Boss! Is there something wrong? Don't you find her interesting enough? I assure you she's a virgin, I investigated her background before I purchased her from an agent back in the Philippines."

Tumigil si Tanaga bago siya makarating sa pintuan at lumingon. Tiningnan niya muna ng malalim si Mrs. Gutieres bago sumagot. "She's alright! However, as I said, I don't like to force her into doing something she's not willing."

"Please! Sir, sit down for a minute, let me speak with her privately and I assure you she would agree one hundred percent." 'Or I'll die trying.' Ang nasa isip ni Mrs. Gutieres.

Hindi kaagad bumalik si Tanaga sa kanyang kinauupuan at kusang tumayo ng malapitan kay Ashley at inamoy ang kinahalihalinang amoy na hindi nya makalimutan.

Habang si Tanaga ay nakatayo sa harapan ni Ashley, si Ashley naman ay walang kaalam-alam na nasa harapan na niya ang taong magliligtas sa kanya sa na sana'y malaking kasawian sa kanyang buhay.

Panay pa ring gumagalaw at hinahatak ni Ashley ang kangyang mga kamay habang nakapiring ang mga mata at may nakapasak sa kanyang mga tainga para wala siyang makikita't maririnig sa anumang nangyayari.

"Give me a minute Sir, let me take her to the other room first and speak with her. You will see her answer with your own eyes as I spoke with her. Please, sir!" Ang pakiusap ni Mrs. Gutieres.

Isang tango lang ang ibinigay ni Tanaga kay Mrs. Gutieres at bumalik siyang naupo at handang maghintay sa kasagutan ni Ashley.

Nagmamadaling dinala ni Mrs. Gutieres si Ashley sa kabilang silid upang masaksihan ni Tanaga ang kanilang pag-uusap. Bago pa pumasok sila Mrs. Gutieres at Ashley sa silid, tinanggal ni Mrs. Gutieres ang nakapasak sa mga tainga ni Ashley at binulungan.

"Kung gusto mo pang makitang buhay ang pamilya mo sa Pilipinas, at kung gusto mo pa ring mabuhay, makinig ka sa aking sasabihin at makisakay ka na lang at tumango tuwing ako ay may sasabihin. Naiintindihan mo ba?"

Sabay binalik uli ni Mrs. Gutieres and nakapasak sa kanyang mga tainga at pumasok sila sa isang silid. Pinaupo si Ashley sa isang silya at isa-isang tinanggal ang nakapasak sa kanyang mga tainga at piring sa mga mata.

Nang imulat ni Ashley ang kanyang mga mata, nakita niya na sila ay nasa isang silid na parang katulad nang eskaparate sa mall. Hindi siya tanga at alam niyang merong isang tao na nakatingin sa kanila habang sila ay mag-uusap ni Mrs. Gutieres.

"Katulad nang sinabi ko sa iyo, kung gusto mo pang makitang buhay ang iyong pamilya. Tumango ka!" Pasigaw na inutusan ni Mrs. Garcia si Ashley.

Sumunod naman si Ashley at tumango na nakita ni Tanaga sa kabilang silid. Pero sa puso ni Tanaga alam niyang tumatango lang si Ashley dahil ito ay tinatakot at hindi mula sa kanyang kalooban.

"Ok, para hindi mo naman sabihing napakasama kong tao. Kung gagawin mo ito ng bukas-loob at maging matagumpay ka, alam mo bang babayaran ka ng isang milyong piso? Hindi na masama eto, diba? Saan ka makakahanap nang isang milyong piso sa loob lang ng isang taon?" Pagyayabang na sinabi ni Mrs. Gutieres.

Ang hindi alam ni Mrs. Gutieres na lumaki si Ashley sa pangaral nang kanyang mga magulang na ang pinaka-importanteng kayamanan nang isang babae ay ang kanyang puri. Kaya't siya ay mahihirapang kumbinsihin si Ashley. Pagdating sa pera or puri, isa lang ang magiging sagot ni Ashley..."Puri!"

avataravatar
Next chapter