59 Chapter 59

"Anong tinatanga-tanga mo diyan, ibili mo ako ng pang patangal ng lasing at bilisan mo!" Pasigaw na utos ng General Manager sa kanyang Night Manager na hindi makakibo at naka tingin sa likuran ng kanyang boss.

"Ano ba?! Hindi mo ba narinig ang iniutos ko?" Sabay lapit niya sa Night Manager at kanya itong binatukan ng napakalakas. *Pak!* Dining na dinig ni Tanaga at mayordomo ang lakas ng pag batok ng General Manager sa kanyang Night Manager.

"Anak ng putsa!" Sabi ni mayordomo habang lalapitan na sana niya ang General Manager. Pinigilan ni Tanaga si mayordomo at siya mismo ang lumapit sa General Manager. Walang ingay ang sapatos ni Tanaga habang siya ay papalapit sa likuran ng G.M.

Nang nakatayo na siya sa likuran mismo ng G.M., tinapik niya ito sa balikat ng walang sali-salita.

Tinabig ng General Manage ang kamay ni Tanaga sabay harap... "Sinong kang hudas na malakas ang loob ng tapikin ako?!" Pasigaw na tanong ng G.M. ng siya ay humarap.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter