50 Chapter 50

Halos hindi maipinta ang pag-mumukha ni Tanaga ng buksan niya ang pintuan. Lalo na at naistorbo ang kanilang honeymoon, kaya handa siyang singhalan ang Custom Officer na nasa kanyang harapan.

Si Ashley naman ay nakatayo lang sa tabi niya at tahimik na nakikirandam kung ano ang kanyang gagawin. Nang makita ng Custom Officer na Filipina ang asawa ng hapong kaharap niya, biglang tumaas ang kanyang kilay at tiningnan si Ashley mula ulo hanggang paa.

Pagkatapos niyang suriin si Ashley, biglang nag-iba ang kanyang itsura. Ngumiti ang Custom Officer ng para bang nakakaloko. Dahil sa isip niya si Ashley ay isang bayarang babae at nagsisinungaling lang ang mayordomo at kapitan ng barko na bagong kasal ang mga ito at nasa kanilang honeymoon.

Magsasalita na sana ang Custom Officer, pero naunahan siya ni Tanaga at natameme siyang bigla.

"Gusto kong malaman mo na hindi ko gusto ang ginawa mong pananakot sa aming mag-asawa. Hindi ba sinabi sa iyo kung sino ako? Ang lakas ng loob mong mangatok na akala mo eh karapatan ka?!" Galit na sinabi ni Tanaga sa Custom Officer.

"Sige! Bumalik na kayo sa mess hall at susunod kaming mag-asawa." Utos ni Tanaga sa mayordomo at sa Custom Officer. Sasagot pa sana ang custom officer, kaya lang ay sinaraduhan na sila ng pintuan ni Tanaga.

Habang naglalakad ang mayordomo at ang custom officer pabalik sa mess hall, hindi nakatiis ang Custom Officer at nagtanong sa mayordomo. "Talaga bang mag-asawa yung dalawa? Dahil kung nagsisinungaling sila, pwede ko silang kasuhan at matali ang yatch na ito dito sa Pilipinas." Mayabang na sinabi ng Custom Officer.

Biglang tumaas ang kilay ni mayordomo sa sinabi ng Custom Officer. Ganon pa man, hindi niya ito sinagot at dire-diretso lang ang lakad niya papunta sa mess hall. 'Antayin mo na lang kung ano ang mangyayari sa iyo pag natapos si bossing. Hahaha!' Sa isip ni mayordomo.

Mga kalahating oras ding pinag-antay ni Tanaga ang Custom Officer bago sila dumating ni Ashley. Ang hindi alam ng custom officer ay tinawagan muna ni Tanaga ang isa sa mataas ang tungkulin na official sa custom para mag reklamo sa ginawa ng custom officer.

Nang malaman ito nang kanyang pinagreklamuhan, sinabihan siya na mag-antay muna ng mga kalahating oras at siya mismo ay pupunta doon. Kaya naman nag-antay muna sina Tanaga at Ashley na dumating ang kanyang kausap bago sila lumabas.

Tamang-tama na dumating sa Mess Hall si Tanaga at Ashley, siya namang dating ng taong kausap ni Tanaga. Biglang napatayo ang Custom Officer nang makita niya kung sino ang dumarating.

Si Tanaga na kapapasok lang ng mess hall kasama si Ashley ay biglang ngumiti at sinalubong ang paparating na Commissioner ng Bureau of Custom ng Pilipinas...

"Welcome! CEO Jones, how are you? Why didn't you tell me that you were coming, I could have been here earlier, and you would not have been subjected to this kind of treatment." Sabi ni Commissioner habang sila ay nag shakes hands ni Tanaga.

"Oh' I was not planning to come, but my wife and I decided to have our honeymoon here. By the way, I want you to meet my wife... This is Ashley." Pakilala ni Tanaga habang nakahawak siya sa bewang nito.

"Nice to meet you!" Bati ni Commissioner na halatang sinusuri si Ashley. "Kaninong pamilya kaya ito siya nanggaling? Kailangan malaman ko, baka sakaling makatulong balang araw." Sa isip ni Commissioner.

"Nice to meet you din po!" Bati naman ni Ashley na nakangiti ng napakaganda. Habang iniabot ang kanyang kamay para makipag shake hands din. Ang kaso mo, mabilis ang kamay ni Tanaga na inabot ang kamay ni Commissioner at hinila papunta sa upuan.

Pagka-upong pagka-upo ng Commissioner, dinalhan kaagad ito ni Mayordomo ng maiinom at pulutan. "Commissioner, tikman niyo po itong pulutan specialty ng chef ni boss."

Napatunga-nga si Custom Officer na nuong una ay kala mo kung sino. Pero nang makita niya kung pano halos halikan ni Commissioner ang puwetan ni Tanaga, bigla tuloy siyang pinagpawisan ng malamig...

Si Commissioner naman ay ni hindi man lang binati ang empleyado, basta na lang nagsimulang uminom at nakipag-tsikahan ke Tanaga at Ashley.

Mga ilang sandali lang ay tumayo si Tanaga at lumapit sa Custom Officer. "I'm sorry! I forgot that you were waiting for us..." Tinawag ni Tanaga si Ashley, "sweetheart, halika pala at kailangan tayong kausapin ni Custom Officer.

Nang marinig ito ni Commissioner, bigla itong tumayo at hinarap si Custom Officer. "Ano pa ang hinihintay mo, andito na ako! Wala ng ka nang kilangang pang gawin dito, kaya pwede ka nang umalis." Sabay hingi ng dispensa ke Tanaga...

Si mayordomo naman ay simpleng tumingin sa Custom Officer pagkatapos niyang silbihan si Commissioner. Sabay irap habang patalikod at lumabas ng Mess Hall.

'Magdasal ka na sa lahat ng santo, dahil siguradong tangal ka sa trabaho!' Sa isip ni mayordomo habang nakangiti itong naglalakad papunta sa kusina.

avataravatar
Next chapter