4 Chapter 4

"Filipina?! Sir, I do have one on hand if you're interested. She's supposed to go to one of my clubs, but if you find her worthy to bear you a child, then, I would summon her right now." Mabilis na sinabi ni Mrs. Gutieres.

Nag-aatubili si Tanaga kung titingnan nya ba itong babaeng ito o hindi. "You said you brought her here to work at your club, then what makes you think that I would be interested in a person with such low life?" Galit na sagot ni Tanaga sa maluha-luhaang Mrs. Gutieres.

'Pano ba 'to, kung 'di sya makapili, pano na lang ang mga ginastos ko sa mga babaeng ito? Kailangang meron syang mapili, dahil kung hindi...Patay ako sa sindikato.' Madimdim na nag-iisip si Mrs. Gutieres kung paano nya makukumbinsi si CEO Jones.

"CEO Jones, this girl is pure and I was going to sell her to the highest bidder. Also, she's doesn't look bad. She's tall, pretty in her own way, and most of all, she has pretty good genes. She's a college graduate with honors, Sir!" Nagdadasal nang taimtim sa kanyang kalooban si Mrs. Gutieres na sana ay magbago ang isip ni Tanaga at pumayag.

"Alright! I'll give you one more chance, but if this one does not meet my criteria, you would have to compensate me for my time and find a certain girl for me. Do you agree?!"

'Ay diyos ko! Salamat po!' Sabay hinga ng maluwag ni Mrs. Gutieres. Madali niyang inutusan ang isa niyang empleyado na kunin si Ashley at dalhin sa kabilang silid. Sumunod naman kaagad ang kanyang inutusan at pinuntahan kung saan si Ahsley ay nakakulong at mahigpit na binabantayan.

Pagkatapos nang mga ilang minuto ay bumalik ang inutusang empleyado ni Mrs. Gutieres. Lumapit ito at may ibinulong. Maya-maya ay biglang nanlisik ang mga mata ni Mrs. Gutieres, sabay humingi nang pasensya kay Tanaga at nagmamadaling umalis.

Habang naghihintay, si Tanaga ay medyo nainip na at nawalan na ng gana at biglang tumayo at naghandang umalis.

Tamang-tama naman na hahakbang na sana si Tanaga paalis nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Mrs. Gutieres na may kasamang babae at may kasunod na dalawang malalaking lalakeng mukhang may taong pinipigilan.

Kitang-kita ng mga mata ni Tanaga na ang babae ay pwersado at ayaw sa gustong ipapagawa ni Mrs. Gutieres. Napailing na lamang sya at naghandang umalis. 'Hindi siya interesado sa taong napilitan lang. Importante sa kanya na ang magiging ina ng kanyang magiging tagapagmana ay isang babaeng bukas sa kalooban ang gagawin at handang iwanan ang bata sa pagdating ng panahon.' Eto ang nasa isipan ni Tanaga habang siya'y nagsimula nang umalis.

"Sir, Boss! Wait! Give me a minute to have a word with her, please! I assure you, she would be willing to do what you needed to be done once I'm finished speaking with her. I didn't get the chance to explain to her the whole deal. I was rushing to bring her over before you change your mind." Nagmamadaling pinaliwanag ni Mrs. Gutieres kayTanaga para ito ay manatili.

Tiningnang mabuti ni Tanaga ang babaeng nasa likuran ni Mrs. Gutieres bago ito sumagot.

"Could you move and let me see what she looks like first?" Pagalit na utos ni Tanaga.

Naubusan na sana sya ng pasensya at nawalan na ng interest na tingnan pa, pero kusang may bumubulong at nagsasabi sa kaloob-looban ng puso nya na 'Tingnan mo!' Kaya naman ito ay kanyang nasambit nang hindi namamalayan.

"Sure, sure, sure!" Umusog sa isang tabi si Mrs. Gutieres para makita ni Tanaga kung ano ang itsura nang babaeng kanilang pinipilit. Biglang lumaki ang mga mata ni Tanaga nang masilayan ang mukhang magdamag siyang hindi pinatulog...

avataravatar
Next chapter