43 Chapter 43

Malalim na ang gabi at madilim ang kwarto ng bagong kasal... pero hindi pa rin natuloy ang dapat na mangyari. Ang sa wakas na meron na sanang mangyayari sa dalawa ay nauntol na naman dahil sa aksidenteng nangyari...-

Sa wakas ay naabot din ni Ashley ang switch ng ilaw at ito ay pinatay. Ngunit sabay ng pagdilim ng silid, hindi namalayan ni Ashley na tumama ang malambot niyang dibdib sa bibig ni Tanaga. Kaya, hindi na napigilan ni Tanaga ang sarili at biglang niyapos ang asawa habang isinubsob ang mukha sa kabigha-bighaning dalawang bundok...

Ashley: "Oh, my God!"

Tanaga: "Yes! Mahal!" habang hinalikan ang giliran ng kaaya-ayang perfect cone ng Mt. Mayon.

Biglang nagulat at nakiliti si Ashley, hindi niya sinasadya na matuhuran na naman ang pag-aari ni Tanaga at ito ay namilipit sa sakit. Dahilan para matulak ni Tanaga si Ashley ng di sinasadya at ito ay nahulog sa kama at lumagpak sa sakit na una ang puwet. *Thud!!! Kalabog!*

Mabuti na lang at hindi masyadong malakas ang pwersa ng pag-kakatulak niya at sa puwet nag landing si Ashley. Kung hindi ay baka nabalian ito ng buto at malamang ay mabagok ang ulo.

Habang namimilipit pa sa sakit si Tanaga ay tumayo si Ashley at binuksan muli ang ilaw. Nang lumiwanag ang silid, doon niya nakita ang hubot hubad na si Tanaga habang namimilipit at hawak ang kanyang pag-aari.

"Oh, my God!" Ito lamang ang lumabas sa bibig ni Ashley habang nakatingin ng walang kurap-kurap ke Tanaga na nakabaluktot at hawak hawak ang kanyang.... At halos mangiyak-ngiyak sa sakit.

Si Ashley na imbes maawa ay napatawa ng malakas dahil sa itsura ni Tanaga. In which, isang malaking pagkakamali sa parte niya. Dahil nainsulto si Tanaga sa pagtawa niya na para siyang nakakaloko. Tinadyakan na nga niya ang pag-aari, tatawan pa niya... Sino ba naman ang matutuwa sa ganitong sitwastyon?

Dahilan ito para mag-iba na naman ang pagmumukha ni Tanaga. Ang itsura ng mukha niya ay parang sinapian ng demonyo at nanlilisik ang kanyang mga mata. Habang ang isa niyang kamay at hintuturo ay naka point ke Ashley. "

"Ikaw!!!! Ikaw... ang magiging dahilan na hindi ako mag-kakaanak! Kinontrata kita para bigyan ako ng anak, pero ito ang ginagawa mo palagi!" Pasigaw na sinabi ni Tanaga ke Ashley habang umuusok ang mukha sa galit.

Takot at hiya ang naramdaman ni Ashley, dahil lahat ng sinabi ni Tanaga ay pawang katotohanan lamang. Naiisip niya tuloy na baka ito ang maging dahilan para ma break ang kontrata.

"Pasensya na po! Di ko talaga sinasadya, meron po ba akong maitutulong?" Tanong ni Ashley habang nakatakip ang kanyang bibig habang pinipigilan ang kanyang pag tawa.

Ang kaso mo, talaga yatang nakakatawa ang itsura ni Tanaga, kaya hindi na napigilan ni Ashley at tumawa siya ng napakalas habang hawak niya ang kanyang tiyan. "Hahaha! Hahaha! Hahaha!"

"Pag hindi ka tumigil ng kakatawa, bibigyan kita ng dahilan para umiyak!" Panakot ni Tanaga habang nakabaluktot pa rin sa sakit na nararamdaman.

Biglang tumigil si Ashley sa pagtawa ng marealize niya na seryoso na talaga si Tanaga. Dahan dahan niyang kinuha ang kumot at kinumutan niya si Tanaga, bago lumabas siya para humingi ng tulong sa mayordomo.

===

Nagpasya si Ashley na hindi bumalik sa kwarto para makapag-isip minabuit niya na sa lounge ng yacht siya magpalipas ng gabi.

Nang matapos si mayordomo na ayusin ang sitwasyon ni Tanaga, si Ashley naman ang kanyang hinanap para malaman kung ano ang tunay na nangyari?

Natagpuan niya si Ashley na mahimbing na natutulog sa sofa sa lounge. Kaya naman Imbes na gisingin ni mayordomo, kumuha na lang siya ng kumot at unan at pinabayaan si Ashley na matulog. Puede naman niyang kausapin sa susunod na araw, kaya minabuti niyang pabayaan itong makapag-pahinga ng maayos.

Para siguradong hindi makakalabas si Ashley ng lounge, at wala ring mang istorbo dito. Kinandado niya ang pintuan ng siya ay lumabas. Bumalik siya sa silid upang tingnan kung ano na ang sitwasyon in Tanaga...

Si Tanaga ay nasa pareho pa ring pwesto at hawak pa rin ang kanyang pag-aari. Nang marinig niyang bumukas ang pintuan, nagkunwari siyang tulog at pinikit ang mga mata. Pero sa isip niya at gaganti siya ke Ashley. 'Sige lapit lang, pag nahawakan kita, di ka na makaka-alpas pa!' Sa isip ni Tanaga.

Si mayordomo naman ay dahan dahang sumilip. Nang makita niya na tulog na ang amo, minabuti niyang patayin ang ilaw para ito ay makatulog ng maayos. Nakataas ang talamampakan habang siya ay naglalakad papunta sa tabi ng kama.

Nang siya ay malapit na at aabutin na ang switch ng ilaw para patayin...- Bigla siyang hinablot ni Tanaga at hinaltak papunta sa kama...

"Wala ka ng ligtas ngayon, sabay halik ni Tanaga sa labi ni mayordomo...- Pweh! Phew! Phew! Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Ashley? Sabay bitaw niya ke mayordomo na di malaman kung papano tatayo.

"Ganito yun boss..." Sinabi niya kung nasaan si Ashley at kung ano ang ginawa niya. Ang mukha niya ay proud na proud habang naka ngiti.

"Pabayaan mo na siya doon, bukas na lang kami mag-uusap. Baka kung ano pang disgrasya ang mangyari sa akin. Sige na, bantayan mo na walang makapasok doon." Utos ni Tanaga bago ito ay humiga uli para matulog.

===

Ng dumating ang umaga, ang sama ng tiimpla ng mukha ni Tanaga. Hindi ito halos maipinta. Lahat ng maka-salubong niyang crew ay takot na umiiwas at baka sila ang mapag puntiryahan ni Tanaga ng galit.

Napansin agad ito ng mayordomo na kanyang ikinabahala. Nababahala siya na kung sakaling magkita ang dalawa ay baka ito na ang huling araw ni Ashley at itapon ito ni Tanaga sa dagat.

Kailangan niyang maka-isip ng paraan na ang dalawa ay mag-kabati. Kung hindi, sila ang mag-pipinitensya.

Napansin ni Tanaga na parang tulala si mayordomo at napaka-lalim ng kanyang iniisip. Nilapitan niya ito na hindi man lang naramdaman na nasa harapan na siya, kung hind pa siya nagsalita.

"Bakit para kang naengkanto?" Pasigaw na sinabi ni Tanaga habang panay ang tingin niya at parang me hinahanap.

"Sir? Ah wala po! Iniisip ko lang kung gising na po ba si Ma'am. Gusto po ba ninyo na gisingin ko kung sakaling tulog pa, para magkasabay kayong mag-almusal?" Masiglang tanong ni mayordomo, pero sa isip niya... ' Sana ayaw niyang makasabay kumain, para hindi muna sila magkaharap.'

Ganon na lang ang laki ng tuwa ni mayordomo ng tumanggi si Tanaga at ito ay naupo para magsimula ng kumain...

Pagkatapos makasigurado ni mayordomo na kumakain na sa Tanaga, tahimik siyang umalis para puntahan si Ashley. Naalala niya na hindi makakalabas ng pintuan si Ashley dahil kinandado niya ang pintuan.

Palabas na sana ng pintuan ng dining room ng yacht si mayordomo ng biglang sumigaw si Tanaga,- "Bayaan mo siya at wag mong buksan ang pintuan. Dalhan mo na lang ng almusal, pero wag na wag mong papalabasin sa lounge." Utos ni Tanaga na parang balewala lang.

"Sir! Baka po lalong magalit sa Ma'am Ashley, eh! alam nyo na?!" Paalala ng mayordomo ke Tanaga. Ang ibig sabihin ni mayordomo ay... paano na ang pagsisiping nila?

"Wala akong paki! Sundin mo ang utos ko! At pagkatapos, papuntahin mo dito ang Kapitan ng yacht at gusto siyang makausap." Pasigaw na utos niya sabay bumalik sa pagkaing nasa harapan niya... At sunod sunod sinubo ang pag kain, muntik na tuloy mabulunan...

avataravatar
Next chapter