42 Chapter 42

Sa simula, ang dahilan ni Tanaga kaya hinalikan niya si Ashley ay para lang parusahan sa pagkakagat ng kanyang palad. Pero ng malasahan niya ang matamis na labi ni Ashley, nawala na rin siya sa kanyang sarili at itinodo na niya ang paghalik.

Wala na sanang problema, ang kaso nga lang, dahil sa dami ng nainom ni Ashley... Bigla siyang nasusuka. Kaya naman itinulak niyang bigla si Tanaga at tumakbo ng mabilis sa banyo.

Si Tanaga naman ay napa-nganga sa nangyari at hindi makapagsalita sa biglaang pagtulak sa kanya ni Ashley. Naiwang nakatayo habang sinusundan ng tingin si Ashley na papunta ng banyo.

Di malaman ni Tanaga kung magagalit ba siya o' pababayaan na lang niya. Sa bandang huli, napag-isip-isip niyang mali rin ang kanyang ginawang paghalik ng sapilitan. Kaya naman umupo na lang siya sa ibabaw ng kama at naghintay kay Ashley na bumalik.

Ang hindi alam ni Tanaga, si Ashley ay sumuka sa loob ng banyo. Matapos, biglang umikot ang paningin niya at nakatulog sa malamig na lapag.

Si Tanaga naman ay nagmumuni-muni pa rin sa labas kung ano ang dapat niyang gawin. Nang nakalipas ang treynta minutos at hindi pa rin lumabas si Ashley, tumayo na siya at kumatok sa pintuan ng banyo.

*Knock, knock, knock!* "Ashley! Ashley! Okay ka lang ba? Puede ba akong pumasok?" Pasigaw na tinanong ni Tanaga.

Nang walang sumasagot, minabuti na ni Tanaga na tingnan kung naka lock ang pintuan.

*Click, click.*

Hindi ito naka lock. Dahan-dahan niya itong binuksan at ipinasok ang kanyang ulo...

Nanlaki na lamang ang mga mata ni Tanaga nang makita niyang nakahalumpasay si Ashley sa malamig na sahig ng banyo. Dali-dali siyang pumasok at sinubukang gisingin si Ashley. Nang hindi kumikilos si Ashley at hindi magising, napag-isip-isip ni Tanaga na buhatin na lang at dalhin sa kama.

Dahil sa sobrang kalasingan ni Ashley, wala na namang nangyari sa kanila. Si Tanaga na talagang ready na kahit ano ang mangyari, ay naligo na lang ng malamig na tubig para mapawi ang pag-iinit ng katawan.

Lingid sa kaalaman ni Tanaga, si Ashley ay nagising habang siya ay naliligo. Papasok sa sana siya ng banyo para umihi nang marinig ang daloy ng tubig. Naintindihan ni Ashley na si Tanaga ang nasa loob at naliligo, kaya naman wala siyang nagawa kundi bumalik at humiga uli at maghintay.

Mga ilang sandali lang ay natapos din si Tanaga at lumabas ng banyo. Si Ashley ay madaling tumalikod at isinara ang mata at nagkunwaring tulog pa rin. Hindi niya alam na nakatitig sa likuran nya si Tanaga habang ito ay nag-iisip kung sa tabi niya matutulog o sa sofa.

Sa kadulu-duluhan, nagpasya si Tanaga na pumunta sa kabilang side ng kama. Tinanggal nya ang tuwalya na nakabalot sa ibaba niya at lumantad ang hubo't-hubad na mala-adonis na katawan. Sabay humiga sa ibabaw ng kama sa tabi ni Ashley ng hindi man lang nagkumot.

Si Ashley na nakikirandam lang ay hindi alam na ang katabi niyang asawa ay walang saplot na suot at wala ring kumot.

Naghintay muna siya ng mga kinse minuto bago niya binuksan ang mga mata. Ang una niyang napansin ay hindi pinatay ni Tanaga ang ilaw sa tabi niya, kaya dahan-dahan si Ashley na aabutin sana ang ilaw para patayin...

Hindi niya namalayan na bumuka ang mga mata ni Tanaga at napatitig sa malalaking dibdib na halos nasa mukha na nito habang inaabot ang switch ng ilaw. Ang napawing init ng katawan ay biglang umapoy at naglalagablab na hindi na makalma ng madalian.

'Talaga bang sinusubukan mo kung hanggang saan ako makakapagpigil? Ok! Kung iyan ang gusto mo, sige! Pagbibigyan kita.' Isip ni Tanaga habang nakatitig pa rin sa dibdib ni Ashley.

Sa wakas ay naabot din ni Ashley ang switch ng ilaw at ito ay pinatay. Ngunit sabay ng pagdilim ng silid, hindi namalayan ni Ashley na tumama ang malambot niyang dibdib sa bibig ni Tanaga. Kaya, hindi na napigilan ni Tanaga ang sarili at biglang niyapos ang asawa habang isinubsob ang mukha sa kabigha-bighaning dalawang bundok...

Ashley: "Oh, my God!"

Tanaga: "Yes! Mahal!" habang hinalikan ang giliran ng kaaya-ayang perfect cone ng Mt. Mayon.

avataravatar
Next chapter