41 Chapter 41

Muntik ng mabitawan ni Ashley ang microphone sa lakas ng pagkalabog ng pintuan. Sabay-sabay silang lahat ng mga crew na tumingin sa may pintuan at nanlaki ang mga mata at napatigil sa kanilang ginagawa dahil si Tanaga ay nakatayo sa pintuan na parang tigre at hindi maipinta ang mukha.

Walang masabi ang mga crew. Lahat sila ay halatang hindi makakibo sa takot. Napansin ito ng lasing na si Ashley, at biglang tumaas ang mga kilay at nakasimangot na tumingin kay Tanaga.

'Bakit, ikaw lang ba ang pwedeng tumaas ang kilay at sumimangot? Tse! Ako rin 'no!' Sa isip ni Ashley habang nakikipagtitigan siya kay Tanaga. [Malakas ang loob ni Ashley dahil nakainom.]

Mga ilang minuto na ang nagdaan at wala pa ring umimik sa loob ng mess hall. Lahat ng crew at si Ashley ay hindi na yata humihinga at naghihintay na magsalita at pumasok si Tanaga. Ang kaso... ganoon din ang nasa isipan ni Tanaga at ng mayordomo. Naghihintay sila na imbitahin ng crew.

Nang tumagal at wala pa ring nagsasalita at kumikilos, medyo nabahala na ang lasing na si Ashley. Kaya naman naglakas loob na ito at ngumiti ng pagkaganda-ganda habang nakikita lahat ng mapuputi at diretso niyang ngipin. Sabay sa ngiti, lumantad ang dalawang malalim na dimples niya sa namumula niyang pisngi. Lingid sa kanyang kaalaman, lalo siyang maalindog sa mata ni Tanaga.

"Hi! Honey, did you miss me?" Sabay lakad palapit kay Tanaga na nakangiti pa rin at sadyang tinukso ang asawa na ipinakita lalo ang lantik ng kanyang katawan sa bawat hampas ng kanyang mga baywang.

Okay na sana ang eksena at natukso talaga si Tanaga, pero nang malapit na siya kay Tanaga, bigla siyang natapilok at napasubsub sa dibdib ng kanyang asawa na malaking ikinagulat ni Tanaga.

"Ashley!!! Kung...." Hindi na natapos ni Tanaga ang kanyang sasabihin dahil mabilis na binulungan ng mayordomo si Tanaga. "Sir, I don't think it would look good kung papagalitan mo si ma'am sa harapan nila."

Tumingin sandali si Tanaga sa mga crew, bago biglang nagbago ang tono ng boses ng ma-realize na tama ang mayordomo. "Mukhang marami ka na yatang nainom, mahal? I think, kailangan mo ng tumigil." Malumanay na sinabi ni Tanaga kay Ashley na rinig na rinig ng mga crew.

"Oo' nga po Ma'am! May bukas pa naman po!" Sabat ng isa sa mga official ng barko.

Sasagot pa sana sa Ashley at sasabihing, 'baka wala ng bukas para sa kanya, kaya mabuti ng mag-enjoy siya habang pwede pa.' Kaya lang ay mabilis na tinakpan ni Tanaga ang kanyang bibig at sabay dinala palabas ng walang paalam sa mga tauhan niya.

"Ano ba! Pakawalan mo ako, gusto ko pang kumanta!!!!" Sigaw ni Ashley na hindi naman maintindihan dahil nakatakip pa rin ang mga kamay ni Tanaga sa bibig niya.

"Pwede ba! Tigilan mo na ang kakapalag. Pag hindi ako makapagpigil, hahalikan kita dito. Yan ba ang gusto mo?" Pabulong na panakot ni Tanaga kay Ashley na panay ang galaw at gustong makaalpas sa pagkakahawak ni Tanaga. "Ano! Papalag ka pa?"

Dahil lasing si Ashley, malakas na malakas ang kanyang loob at wala siyang kinatatakutan kahit na ang demonyo kakalabanin niya. Kaya naman sige pa rin ang palag niya at pinipilit magsalita kahit may takip ang kanyang bibig.

"Ano ka ba! Hudas! Take off mo ang kamay mo, ayokong sumama sa iyo!!!!" Halos mabingi si Tanaga sa pilit na pagsigaw ni Ashley kahit hindi niya ito maitindihan. Nang hindi pa rin tinanggal ni Tanaga ang kamay, bigla niya itong kinagat...

"ARAY!!!!" Ang lakas na sigaw ni Tanaga sa nararamdamang sakit. Pero hindi pa rin niya tinanggal ang pagkakatakip sa bibig ni Ashley. Dire-retso pa rin sila habang papunta sa kanilang silid.

Maya-maya lang ay nakarating din sila sa loob ng kwarto, sabay kinandado ni Tanaga ang pintuan. Tapos, hindi na siya nakatiis at tinanggal ang kanyang kamay sa bibig ni Ashley at hinarap ang asawa sa kanya bago hinalikan ito ng napakariin...

avataravatar
Next chapter