3 Chapter 3

Umaga na nang magising si Ashley at laking gulat niya nang maisip na siya ay nakahiga sa isang maliit na kwarto. Kinusot niya ang kanyang mga mata para paniguradong hindi siya nanaginip lamang. Subalit pagkatapos kusutin, idinilat nyang muli ang mga ito at ganun pa rin ang kanyang nakita.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pintuan ng silid na kanyang kinaroroonan. Si Mrs. Gutieres ay pumasok na may kasamang isang batang babae.

"Mabuti naman at gising kana. Tumayo ka at sumama kay Isoka." Utos ni Mrs. Garcia kay Ashley.

Nang hindi kumilos si Ashley pagkatapos nang ilang minuto, nanlilisik ang mga matang sinigawan ni Mrs. Gutieres si Isoka. "Ano pa ang hinihintay mo? Kaladkarin mo siya kung kinakailangan. Sinabi ko naman sa iyo na walang awa-awa dito, trabaho lang ito."

Nang marinig ni Ashley ang malakas na sigaw ni Mrs. Gutieres, doon niya naisipan na walang mangyayari kung makikipag-matigasan siya. Masasaktan lamang siya, kaya mabuting sumunod na lamang muna at mag-isip nang paraan kung paano makakatakas sa kanyang kinaroroonan.

===

Samantala, si Tanaga ay kasalukuyang nag-aalmusal. Habang siya ay kumakain, panay ang kanyang titig sa cellphone na naiwan ni Ashley. Nang matapos na siyang kumain at wala pa ring tawag, inilagay niya ang cellphone sa kanyang bulsa at naghandang umalis papuntang opisina.

Habang nagbibihis si Tanaga, nakatanggap siya ng tawag sa ahensiya na kanyang kinontrata na magdala ng babae galing sa iba't-ibang bansa upang gawing palahian ng kanyang magiging anak...

"Hello! CEO Jones, I just wanted to let you know that, all is prepared. We have all the girls for you to check out for your request. If you're available now, we can have them all ready for your viewing," sabi ng babae sa kabilang linya ng telepono.

"Hmm, I'll be there in thirty minutes," sagot naman ni Tanaga.

Pagkaraan nang tatlumpung minutos ay dumating si Tanaga sa isang pribadong lugar. Bumukas ang bakal na bakod at pinapasok ang kotseng kanyang sinasakyan. Sa bukana ng malaking pribadong lugar, nakatayo at naghihintay sa kanyang pagdating ay si Mrs. Gutieres at ang kanyang dalawang guwardiya.

Sa pagtigil ng kotse ni Tanaga, mabilis na binuksan ng guwardiya ang pintuan ng kotse. Malaking ngiti ang sumalubong kay Tanaga galing kay Mrs. Gutieres. Sino ba naman ang hindi ngingiti nang napakalaki?

'Sa laki ba naman ng halagang ibabayad ni Tanaga kung sakaling makapili siya ng isa sa mga babaeng kanilang dinala galing sa ibat-ibang bansa, siguradong yayaman silang bigla.' Ito ang nasa isip ni Mrs. Gutieres habang sila ay naglalakad papunta sa isang pribadong silid.

Meron itong dobleng salamin upang matanaw ni Tanaga ang mga itsura nang babaeng kanyang pagpipilian na hindi nakikita ang kanyang katauhan.

"Buksan ang kurtina para makita ni CEO Jones ang mga babae." Utos ni Mrs. Gutieres sa isa niya pang empleyado. Dahan-dahang binuksan ang kurtina... ng matapos mabuksan ang kurtina, bumulwag sa harapan ni Tanaga ang magagandang babae na iba't-iba ang lahi.

Sa harapan ni Tanaga ay ang mga impormasyon ng bawat isang babae na nasa loob ng silid na kanyang nakikita. Isang tingin lang ang ginawa ni Tanaga, pagkatapos ay tumalikod na siya na para bang papaalis na.

Nang ito ay makita ni Mrs. Gutieres, bigla siyang nabahala at pinigilan si Tanaga. "Sir, Boss! What's wrong? Didn't you find anyone you like? They're all beautiful and willing. Don't you want to take a closer look? How about I let you speak to every one of them would that change your mind?"

"No need, I don't find any of them interesting. Call me when you have another to show me." Ang sagot ni Tanaga kay Mrs. Gutieres.

"Boss, Sir! How about you tell me exactly what nationality you're looking for, so I could make sure that next time that would be the only that would be here for you to choose from?!" Tanong ni Mrs. Gutieres habang ito ay halos mahimatay sa nerbiyos.

Tumigil si Tanaga at humarap kay Mrs. Gutieres. Tiningnan niya ito ng masama bago sumagot ng walang emosyon. "Filipina! That's what I want."

avataravatar
Next chapter