39 Chapter 39

Nanlaki ang mata ni Ashley ng makita niyang namimilipit sa sakit si Tanaga at hawak hawak nito ang kanyang kayamanan.

Hindi tuloy nya malaman kung ano ang gagawin sa takot. 'Pano ba ito, tulungan ko ba siya o' tawagin ko ang mayordomo?' Sa isip niya habang nagdadalwang isip siya.

Nang tatalikod na sana si Ashley upang puntahan at tawagin ang mayordomo, bigla na lang sumigaw si Tanaga na laking kinagulat niya at napatigil sa kanyang kinatatayuan-

"Ano ba ang problema mo? Kung ayaw mo at hindi ka pa ready, eh! Bakit hindi mo na lang sinabi noon tinanong kita. Bakit kailangan mo pang gawin ito! Alam mo ba na maaring maapektuhan ang pagkalalaki ko at hindi na ako mag kaanak sa ginagawa mo?!" Pasigaw na sinabi ni Tanaga habang namumula ang mukha sa galit at sakit na kanyang nararandaman.

Hindi malaman ni Ashley kung haharap ba siya ke Tanaga at hihingi ng pasensiya o' puntahan ang mayordomo para matulungan siya.

Nag pasya si Ashley na hihingi muna uli siya ng paumanhin, pag katapos ay tatawagin niya ang mayordomo.

Ang kaso mo lang ay, naunahan na naman siya ng sigaw ni Tanaga na ipinag init na rin ng ulo niya.

"Ano pa ang tinatanga-tanga mo diyan! Halika rito at tulungan mo ako!" Pasigaw na sinabi ni Tanga na hindi nagustuhan ni Ashley.

Kaya naman imbis na tulungan niya ang tao, lumakad siya palabas sabay bukas ng pinto at umalis ng walang lingon lingon. "Manigas ka diyan, hudas!" Sabay sarado ng pintuan pabagsak. "Bang!"

Bigla tuloy naalimpungatan si mayordomo na nakaupo sa isang silya sa may pintuan na parang gwardya. "Ma'am, me kailangan po kayo?" Tanong ni mayordomo na kinukusot ang kanyang mga mata.

Tumigil sandali si Ashley sa harapan ng mayordomo. "Hindi ako ang may kailangan, yung amo mong hudas, puntahan mo doon sa loob!" Sabay talikod at lumakad papunta sa may deck ng yacht para mag pahangin.

Dali daling tumayo di mayordomo at pumasok sa silid. Nanlaki ang mga mata niya at biglang nagising ng tunay ng makita niyang nakahiga pa rin si Tanaga sa lapag at namimilipit na hawak ang kanyang pag-aari.

Biglang napa-ngiti ng pasikreto si mayordomo habang sa isip niya. "Ano kaya ang nangyari? Hay, naku! Mukhang marami pang bigas na kakainin itong batang ito pag dating sa parteng ito.' Sabay iling niya habang tinutulungan niya si Tanaga na makatayo.

Pag katapos niyang tulungan si Tanaga na makaupo sa ibabaw ng kama, "Sandali lang po sir, kukuha lang po ako ng ice pack." Aalis na sana si mayordomo ng biglang hinawak ni Tanaga ang kanyng mga braso.

"Wag na! Di yan ang kailangan ko, ang kailangan ko ay tulong mo para ako ay makatayo at makalakad. Halika rito at alalayan mo ako. By the way, san nagpunta si Ashley?"

"Hindi ko po alam! Sabi lang niya sa akin bago umalis ay puntahan ka at tulungan." Sagot ni mayordomo habang siya ay lumalapit para antabayanan si Tanaga na makatayo. Dahan dahan silang nag lakad papunta sa deck ng barko kung saan si Ashley ay nagpunta para magpahangin.

Nakarating si Tanaga at mayordomo sa deck, subalit walang ni anino ni Ashley silang nakita.

'Saan kaya siya?' Isip ni Tanaga habang dahan dahang silang naglalakad at naghahanap.

"Sir, baka bumalik na siya sa silid niyo." Sabi ni mayordomo na walang kasiguraduhan sa sinasabi niya.

"Nakakaloko ka ba? Eh! Kagagaling lang natin doon, me nakasalubong ka ba? Wala di ba?" Iritadong sinabi ni Tanaga na halatang galit na naman.

"Go! Hanapin mo kung nasaan si Ashley. Pag nakita mo, papuntahin mo siya sa lounge at sabihin mong mag uusap kami." Utos ni Tanaga na halatang nag-aalala na baka tumalon na sa dagat dahil sa pag-sigaw niya noong una.

Mga ilang minuto ang nakalipas at bumalik si mayordomo na walang Ashley na kasama at ang mukha ay halatadong nag-aalala na rin...

avataravatar
Next chapter