33 Chapter 33

Hindi namalayan ng dalawa na nadala na sila sa init ng kanilang mga damdamin at ito ay nagsimula ng maglagablab na parang apoy sa impyerno... Ang mga labi nila ay naglapat na mariin na mariin at sinimulan nilang namnamin ang isat-isa. Habang ang mga kamay ni Tanaga ay hindi malaman kung aling parte ng katawan ni Ashley ang unang hihimasin...

Papalapit na ang mga kamay ni Tanaga sa bulubunduking harapan ni Ashley na para bang nagsasabing... Welcome! Come and feel me, I'm right here for the taking... Ang kaso nga lamang, talaga yatang hindi pa takda para sila magtalik at gumawa ng bata, dahil...

"Knock! Knock! Knock!" Biglang may kumatok sa pintuan. At nang hindi kaagad nakasagot ang dalawa, lalo pang nilakasan... "Bang! Bang! Bang!" Hindi na katok, kundi parang gigibain na yata ang pintuan ng taong kumakatok.

Napatigil tuloy ang dalawa sa kanilang ginagawa at nagtinginan na lamang. Si Ashley ay namumula ang mukha at hiyang-hiya sa kaniyang ginawa. Habang si Tanaga naman ay dahan-dahang hinimas ang mukha ni Ashley sabay dinampian ang kanyang mga labi ng isang halik.

"Sandali lang, tingan ko lang kung sino itong me taning na yata sa buhay nya at malakas ang loob na disturbohin tayo." Malumanay na sinabi ni Tanaga habang sabay talikod at pumunta sa may pintuan para buksan.

Pagbukas ni Tanaga ng pintuan, ang unang lumabas sa kanyang bibig ay, " Ano ang problema mo at kung makakatok ka eh, halos gigibain mo na ang pintuan?" Pasigaw na sinabi ni Tanaga pero… sya ay biglang natulala ng makita ang taong nasa harapan nya.

"Grandma! Anong ginagawa mo dito? Akala ko ay nag tour around the world ka? Kelan ka pa dumating?" Tanong ni Tanaga ng walang patid at halos hindi na huminga.

"Wag mo akong ma grandma, grandma!" Sabay tulak ng lola ni Tanaga sa pintuan at pumasok ng walang pakundangan.

"Asan sya? Nasaan ang mukhang perang babae na pinakasalan mo? Mabuti na lang at nakarating ako sa tamang oras bago me nangyari sa inyo, nasaan ang social climber na babaeng yan?! "

Si Ashley naman ay biglang natauhan sa narinig ay dahan-dahang lumantad sa harapan ng lola ni Tanaga. Tumayo sya ng diresto at bumati ng magalang. "Magandang araw po! Ako po ba ang hinahanap nyo?" Tanong nya ng hindi man lang kumurap ang mga mata.

First of all, hindi sya mukhang pera... Pero hindi rin naman sya tanga na hindi tatanggapin kung ito ay ini-alok sa kanya. Pangalawa, hindi sya ang may pakana na magpakasal sila. Ang usapan ay bibigyan nya lang ng anak na tagapagmana at pagkatapos ay aalis na sya.

Si Tanaga talaga ang mastermind, so... 'bakit sa akin nagagalit ang lola nito?' Isip ni Ashley habang nakatayo sya at naghihintay sa mga masasakit na salitang bibitawan ng matanda.

Napatigil ang lola ni Tanaga nang lumantad sa kanya si Ashley dahil ito ay isang magandang babae na mukhang napaka-inosente, at ang mga mata ay napakalinaw at madaling basahin na siya ay isang matinong babae na walang bahid na kagahaman sa isipan.

Pero dahil nasimulan na ng lola ni Tanaga, hindi nya pwedeng baguhin kung ano ang nasabi na nya. Kaya naman, imbes na humingi ng paumanhin sa mga sinabi nya ay nagkunwaring galit pa rin ang matanda. Hinarap niya si Tanaga... "Leave us! I want to speak with her alone!" Sabay hinarap naman si Ashley at tiningnan mula ulo hanggat paa, bago... "Follow me."

avataravatar
Next chapter