32 Chapter 32

Lumakad si Tanaga paakyat sa yatch habang karga-karga nya si Ashley na parang isang prinsesa na tulog na tulog pa rin. Ang hindi alam ni Tanaga ay naalimpungatan si Ashley nang binuhat nya galing sa sasakyan. Mangyaring feeling newlywed na rin... Kaya naman, pinag patuloy ni Ashley na mag-tulugtulugan at kumapit pa sya ng mahigpit sa leeg ni Tanaga.

Dahil sa mahigpit na pag hawak nya, na realize ni Tanaga na gising na sya, pero hindi nito pinahalata na alam nya. Ngumiti lang sya ng palihim para hindi mapansin ng tsismosong mayordomo habang karga nya si Ashley na parang wala lang.

Lahat ng crew ng yacht ay nakahilera na nag-aantay sa pag-akyat ni Tanaga. Lahat ay yumuko habang dumadaan sila bilang pagrespeto sa kanila. Nang makarating si Tanaga sa dulo, sabay-sabay tumayo ng diresto ang lahat ng crew at bumati.

"Congratulations po Mr. & Mrs. Jones!" At sabay nagpalakpakan pagkatapos.

Tumigil sandali si Tanaga at lumingon, "Maraming salamat sa inyong lahat! Pasensya, na... Kita nyo naman!" Sabay tingin nya pababa sa karga nya na sige paring nagtutulug-tulugan na si Ashley. Pero pagtingin ni Tanaga, lumantad sa kanya ang labi ni Ashley na napakapula at kaanya-anyaya.

Kaya naman tuloy napatagal ang kanyang titig na napansin naman ng kapitan ng yatch at nagbiro.

"Kiss! Kiss! Kiss!!!" Sabi ng Kapitan na medyo malakas at sinabayan naman sya ng mga crew.

"Kiss! Kiss! Kiss!!!!!"

Ngumiti si Tanaga ng pasimple at inayos ang pagkakahawak sa asawa upang mahalikan ito ng mabuti na nakasandal sa mga bisig nya. Bago dahan-dahan nyang hinalikan si Ashley sa harapan ng mga empleyado, na kinikilig na nakatingin sa napaka sweet na kissing scene ng kanilang mga amo. Kaya tuloy nagsisigawan at nagpapalakpakan ng napakalakas dahil sa tuwa na namumula na ang kanilang mga palad.

Si Ashley naman ay hindi na nakatiis at binuksan ang mga mata ng marandaman ang paglapat ng labi ni Tanaga sa labi nya. Kitang-kita ng dalawang mata na nakapikit si Tanaga at nilalamlam ang lasa ng kanyang labi, na dahan-dahang pinapasok ang kanyang mga dila at parang gusto na syang lunukin ng buhay.

"Hmmm, Sir... Boss... " Pabulong na salita ni Ashley.

Nang marinig ni Tanaga ang bulong ni Ashley, minadali nyang umikot para umalis at dumiretso na sa kanilang silid.

"Boss, puede nyo na po akong ibaba, wala na po sigurong makakakita." Pakiusap ni Ashley ng malumanay at sa tono ng boses nya ay nahihiya.

Hindi sumagot si Tanaga, imbes ay tuloy-tuloy lang sya sa kanyang destinasyon at ng makarating na sila sa labas ng kanilang kwarto, may isang crew na nag-aantay sa kanila at nagbukas ng pintuan at ng sila ay makapasok, isinara ito at naglagay ng sign sa labas... "DO NOT DISTURB"

Nakapasok na ang dalawa sa loob ng silid, pero hindi pa rin binaba ni Tanaga si Ashley sa kanyang pagkakakarga. Kaya naman nagsimula ng pumiglas si Ashley at nagpipilit na mag pababa. Ang kaso naman, napakahigpit ng pagkakahawak sa kanya ni Tanaga, kaya wala syang magawa kundi tumitig lang sa mukha nito na nagtatanong ang kanyang mga mata...

"What now?"

Si Tanaga naman ay nalilito kung ano ang kanyang gagawin, ibaba ba nya o' ano? Habang nag aatubili sya, nakikita ni Ashley sa kanyang mga mata na siya ay may malaking problema.

"Sir, Boss... Pwede po bang pakibaba nyo muna ako para tayo ay makapag-usap?" Pakiusap ni Ashley habang ang kanyang mata ay nagsusumamo.

Walang nagawa si Tanaga kundi ibaba si Ashley ng dahan-dahan, pero parang ayaw pa rin nyang bitiwan... Ilang minuto rin ang nakalipas na nakatayo lang silang dalawa na magkaharap at hindi nagkikibuan.

Ang puso ni Ashley ay kabog ng kabog na parang malapit ng sumabog sa nerbiyos. Habang si Tanaga ay ganoon din ang nararandaman. Sa kauna-unahang sandali sa buhay niya, saka pa lang siya nakarandam ng pagtibok ng napakabilis ng kanyang puso para lang sa isang babae ...

Kaya naman...Tibok lang ng kanilang mga puso ang naririnig habang sila ay nagtitigan. Hindi nila namalayan na parang may isang magneto na hinahaltak na ang bawat isa papalapit hanggang ang kanilang mga labi ay lumapat sa isat-isa...

Sa susunod na kabanata...

Matuloy na kaya ang kanilang pagsisiping? Ano kaya ang inihanda ng mayordomo para sa bagong kasal at nakangiti siyang parang nakakaloko? Ano sa palagay nyo?

Abangan…

avataravatar
Next chapter