28 Chapter 28

Biglang nanlaki ang mata ni Tanaga ng lumabas si Ashley. Ito ay nakasuot ng Embroided V-Neck knee length dress. Hindi sya puti, kundi mala cream ang kulay at may pagka see-through ang tela sa neckline na nakikita ang cleavage nya kaunti pero hindi malaswa sa paningin ni Tanaga.

Pinili ni Ashley ang damit na ito, thinking na simple lang ang design, pero di nya inakalang fitting pala sa katawan nya at pumorma ang sexy curves nya tuloy. At ang puwetan na mabilog ay klarong-klaro at ang baywang na slim ay nakikita talaga. Pati mga boobs nya ay nakatindig ng maayos.

Napakaganda niyang tingnan pero hindi masagwa kundi may class ang dating dahil sa mamahaling tela nito. Sa totoo dahil may kataasan din si Ashley, ang lumantad sa kanila ay parang isang modelo sa magazine.

Sa ibang tao ang itsura ni Ashley ay parang isang nakakabighaning babae, pero sa mga mata ni Tanaga... ay ang babaeng matagal na nyang hinanap-hanap na maging kabiyak ng kanyang puso. Kaya naman hindi ito nakapag salita kaagad at halatadong nagustuhan nya ang itsura ni Ashley.

Noon lang napansin ni Tanaga na ang kulay ng mata ni Ashley ay brown na brown na kumikinang ang liwanag habang nakatingin sa kanya at naghihintay ng kanyang opinion. Bubuka na sana ang bunganga ni Tanaga at purihin ang dalaga ng biglang nagsalita at nag tanong si Ishito.

"Sir, boss, Tanaga... Ano po ang palagay nyo? Nakapagmilagro po ba kami?" Masayang tanong ni Ishito. Excited syang marinig ang papuri ni Tanaga, hoping na sana sya na ang gawing manager pagkatapos sa milagrong ginawa nya.

Pero, sa totoo lang, wala naman syang ginawang milagro, talaga lang namang maganda si Ashley na nakatago lang sa mga mumurahin nyang panananamit at istilo ng pag-aayos sa mukha at buhok. Kaya naman wala silang kahirap-hirap ayusan ang magiging asawa ng boss nila.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Tanaga ng marinig nya ang tanong ni Ishito. Bigla tuloy pumasok sa isipan nya. 'Tama, isang milagro lang na ginawa ito ng mga empleyado nya at hindi ito ang tunay na si Ashley. Pag tinanggal lahat ng kasuotan nya, babalik na naman ang dati. So ano ang dapat nyang purihin doon?' Isip ni Tanaga sabay bungtong hininga.

"Mabuti naman at nakagawa ka ng milagro, dahil ayokong mapahiya kung sakaling may makasalubong kami habang magkakasama." Painsultong sinabi ni Tanaga na rinig na rinig ng lahat ng mga empleyado na excited pa naman na purihin sila ng amo nila.

Biglang nag-iba ang tema ng mukha ni Ashley nang marinig nya ang sinabi ni Tanaga. Napakasakit na insulto ito. Para tuloy may sumaksak sa dibdib nya at ang kanyang puso ay nagdurugo at lumuluha ng walang nakakakita. Unti-unting bumubuo ang ilang patak ng luha na gustong umalpas, mabuti na lang ay mabilis na napigilan ni Ashley at ginawan ng paraan para hindi ito mapansin.

Si Ishito at ang mga empleyado naman ay nag-ngingitngit sa inis sa amo kung ba't nya ininsulto ang maganda nyang asawa.

Dahan-dahan si Ashley na naglakad na parang isang modelo papalapit kay Tanaga. Nang sya ay makarating sa mismong harapan ni Tanaga, naglakas sya ng loob na mag salita. "Sir, kung pasado na po! Eh, di tara na po at ng matapos na itong kahibangan na ito."

Sabay nauna na syang lumabas na walang lingun-lingon. Sinadya nya pang lumakad ng pakembot, para makita ni Tanaga kung gano kaakit-akit ang kanyang matabang pwet na parang monay.

Si Tanaga naman ay nakahalatang galit si Ashley sa kanyang pananalita. Kaya naman nagmadali syang sumunod at sinubukang hawakan ang mga braso ng dalaga para alalayan. Ang kaso, talagang nasaktan si Ashley at gustong gumanti.

Kaya naman, dahan-dahan nyang tinanggal ang pagkakahawak ni Tanaga sa kanyang braso bago... "Hindi ako lumpo na kailangang tulungan lumakad. Maraming salamat na lang." [Ikaw na!]

avataravatar
Next chapter