27 Chapter 27

"The truth of the matter is... We are the one getting married. There! I said it, and I'm the bride, not the maid of honor nor the bridesmaid. Do you understand what I'm talking about?" Iritadong nahihiya na sinabi ni Ashley habang hinahabol nya ang kanyang hininga sa bilis ng pag-kaka English nya.

Nagulat ang lahat ng empleyado sa narinig pero ang resulta, naging mas magiliw pa sila at planong magpakitang gilas na lalong papagandahin si Ashley para masiyahan ang amo at purihin sila o bigyan sila ng bonus.

"Talaga? OMG! I got it now, Ma'am! I have something just right for you. Halika... Halika!" Sabay tulak sa kanya ng assistant manager na pumasok sa isang kwarto...

Biglang nanlaki ang mga mata ni Ashley nang makita nya ang nagagandahang damit pangkasal. Napanganga sya ng dis oras at nakatitig lang sa mga mamahalin at maselang pagkakagawa na mga damit... Maya-maya ay biglang nangulimlim ang kanyang mukha at napakalalim ang iniisip na napansin naman ng assistant manager.

'Wow!!!! Kung sana lang tunay ang kasalan namin, hindi ako mag aatubiling pumili ng pinakamaganda sa lahat. Kaya lang, peke lang naman ang kasal na ito. Bakit ba ako magsusuot ng damit pangkasal?' Isip ni Ashley na nanghihinayang at napabuntong hininga ng napakalalim.

"Ma'am! Wala po ba kayong nagugustuhan?" Nababahalang tanong ni Ishito.

"No, no, no! Hindi sa wala akong nagustuhan, lahat ay magaganda. Kaya lang mas gusto ko sana ang simpleng damit lang. Meron ba kayo nyan dito?" Nakangiting tanong ni Ashley.

"Hmmm, simple po? Hindi ko po alam kung ano ang simple sa definition nyo. Puede po bang kayo na lang ang mga decide pag nakita nyo na ang mga iba pang damit sa kabilang kwarto."

"Sige! Halika at dalhin mo ko."

Sa awa naman ng diyos ay nakapili si Ashley ng simpleng damit na may class. Nang matapos silang mag kasundo sa damit, sapatos, etc... Ang kasunod naman ay ang make-over. Sa kabilang kwarto naman sya dinala para simulan na ito...

"Ma'am, sigurado ako, pag natapos tayo sa make-over mo, lalong ma-i-inlove si Sir sa inyo!" Proud na sinabi ni Ishito.

Ayaw naman ni Ashley na mapahiya si Tanaga, kaya naman nakisakay na rin sya para lang mapasaya si Ishito sa kanyang ginagawa. "Talaga? Sana nga! Maraming salamat! Sana nga makagawa ka ng milagro. Hahaha!"

"Wag po kayong mag-alala Ma'am, hindi ko po kailangang magdasal na makapagmilagro dahil dati na po kayong maganda. Simple pero mabangis ang dating. Hahaha!" Pabirong sagot ni Ishito.

===

Mga isang oras ang nakaraan ay dumating na rin si Tanaga na mukhang modelong galing sa GQ. Kaya pala sya umalis ay para magbihis, napanganga tuloy lahat ng tindera at napatigil sa kanilang ginagawa nang makita ang kagwapuhan niya...

"Tapos na ba sya? Magsasarado na ang Philippine Embassy, nasan na ba sya?" Pasigaw na tanong ni Tanaga at ang mukha ay hindi maipinta.

Bigla tuloy natauhan ang mga tindera at nagbulungan imbes na sumagot sa tanong nya. "Gwapo sana, demonyo naman ang ugali. Tse!" Sabay alis ng isang tindera para puntahan si Ashley.

Sisigaw na naman sana si Tanaga ng biglang bumukas ang pintuan ng isang kwarto at lumabas si ishito na napakalaki ng ngiti sa mukha.

"Sir, Jones! Antay lang po kayo, tinatapos lang po ang final touch. Lalabas na po si misis..." Sabay atras sya ng konte para bigyan ng lugar si Ashley na makaraan...

avataravatar
Next chapter