22 Chapter 22

Nabigla si Tanaga sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Ashley at hindi ito nakakibo kaagad.

Si Ashley naman ay biglang napanganga sa kanyang ginawa pero ang instinct ng isang babae ang nagpa-atras sa kanya pagkatapos sinampal ang among gwapo na namumula na ang mga pisngi. Nakatindig na naninigas ang dalaga sa labas ng kotse sa takot na kung ano ang gagawin ni Tanaga sa kanya.

Si Tanaga naman ay tumingin sa kanyang mga palad na nakaporma pa rin na para bang nasa kamay pa nya ang mga malambot na twin peaks ng dalaga. Tapos, mahinang Ibinaba nya ang mga ito pero di pumasok sa isipan nya na magalit kasi ang naka-register lang sa isipan nya, sa ngayon, ay ang kalambutan at kaaya-ayang pakiramdam sa kamay matapos mahawakan nya ang mga ito.

"Sir Jones, okay lang po ba kayo," tanong ng natatawang driver sa nakatunganga na amo.

"Huh?" Nagising si Tanaga sa pagkabigla at umiling-iling para mawala sa isipan ang kalambutan ng twin peaks ni Ashley sa isipan nya.

"Pasok na Ashley o gusto mo pang kakargahin pa kita para pumasok," sambit ni Tanaga na pagalit kay Ashley.

Si Ashley naman, nang marinig ang galit na boses ng amo, sya ay natarantang pumasok at nasabit ulit ang paa sa stepboard ng kotse at muntik ng masubsob ang mukha eksakto sa mismong ibabang harapan ni Tanaga.

"Ah! Santa Maria! Ano ba yan!" Para maiwasang mag-landing ang kanyang mukha, sa di sinasadya inabot nya ang kanang kamay para maging panangga at ito ay lumagpak sa mismong pag-aari ni Tanaga ng malakas. Naku, ang iniiwasan ni Tanaga sa simula pa ay nangyari talaga.

"Ouch!!!" Sigaw ni Tanaga habang sya ay napa-ngiwe sa sakit ng dis oras.

Nang marinig nya ang sigaw ni Tanaga, mabilis na itinaas ni Ashley ang nakatukod na kamay at umupo ng maayos sa tabi ni Tanaga na walang imik.

Yumuko si Tanaga sabay hawak sa maselang parte sa gitna ng singit nya. "Manong, tara na." Utos ni Tanaga na halos di marinig ng driver dahil namimilipit ang boses sa sakit.

Si Ashley naman ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Tanaga na halos hindi na humihinga. Pulang-pula ang kanyang mga mukha sa hiya at takot. Panay ang pilipit nya sa kanyang mga daliri habang naghihintay sa hatol ni Tanaga.

Dahil sa sobrang tahimik ng loob ng kotse na para bang nasa loob ng bitayan si Ashley, nagsimulang tumulo ang pawis sa kanyang noo pababa, yamang nakabukas naman ang aircon ng sasakyan. Walang kibuan ang dalawa pagkatapos sa nangyari.

Si Tanaga naman ay pinapawisan din dahil hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman. Tahimik lang itong nakaupo na idinidiin ang mga paa sa bawat isa, habang nananalangin na sana mawala na ang sakit bago dumating sa opisina.

Habang si Ashley naman ay hindi makatingin sa binata, kaya naman lalong tumahimik ang loob ng sasakyan na pwedeng marinig ang pagbagsak ng isang karayom.

Sa wakas ay nakarating din sila sa kanilang paroroonan at sa awa ng Diyos, nawala na ang sakit na nararamdaman ni Tanaga na ikinaluluwag ng kanyang dibdib. Paghinto na paghinto ng sasakyan sa harapan ng isang napakataas na gusali, ang mga mata ni Ashley ay biglang lumaki sa paghanga, na sya namang napansin ni Tanaga at ito ay ngumiti na lamang na pasikreto sa sarili.

'Wow lang ha! Sobrang taas at ang ganda. Sa labas pa lang ay iba na!' Isip ni Ashley habang sya ay nagmamadaling bumaba ng sasakyan.

'Building lang na-excited ka na, ano pa kaya ang maging reaksyon mo kung malaman mong isa lang ito sa dinami-dami ng building na pag-aari ko.' Sabi ni Tanaga sa sarili habang dahan dahang bumaba ng sasakyan.

Paglabas ni Ashley ng sasakyan, sya ay tumayo lang sya sa giliran at naghintay kay Tanaga na bumaba. Habang ang binata naman ay dire-diretso lang na lumakad at pumasok so loob ng gusali na hindi man lang tininingnan kung kasunod niya si Ashley.

Nakahilera ang mga empleyado ni Tanaga simula pintuan papaloob. Bawat isa ay yumuyuko at nagbibigay galang sa kanya, matanda man o bata.

Si Tanaga naman ay sanay na dito dahil ritual na ito araw-araw pag pumapasok sya, dahilan para maging balewala lang sa kanya at diresto lang ang lakad papunta sa pribado nyang elevator.

Nang makalampas si Tanaga sa pinakahuling empleyado, napansin nyang wala syang naririnig na ingay ng sapatos sa likuran nya. Kaya bigla tuloy syang napatigil at sabay na lumingon at tiningnan kung nasaan na ang kanyang kasama?

Paglingon ni Tanaga, sabay ding tumingin ang mga nakakataas na mga empleyado sa direksyon na tinitingnan nya. Nakita nilang biglang kumunot ang noo ng kanilang boss nang hindi maaninaw kung nasaan na ang kasama nya.

Bigla tuloy nagbulungan ang mga empleyado sa isa't-isa.

"Sino ang hinahanap nya?" Tanong ng isa.

"Ewan ko? May kasama ba sya? Wala naman akong nakitang ibang lumabas sa sasakyan ah?" Sagot ng isa pa.

"Mga bulag ba kayo? Ayun oh!" Sabay puntirya ng nguso sa direksyon ni Ashley na dahan-dahang lumalakad sa gilid at likuran ng mga empleyadong nakatayo.

"Who's that girl?" Tanong ng Director of H.R. habang nakataas ang kanyang mga kilay...

avataravatar
Next chapter